Keith's POV
*splash!*
Nagulat ako dahil bigla nalang nabasag ang baso may lamang tubig na hinahawakan ko.
Nandito ako ngayon sa kusina. Kukuha sana ako ng tubig kaya lang biglang nahulog at nabasag.
Masama ang kutob ko. Para akong kinabahan. Anong nangyari?
May masama bang nangyari kay Monica?
"Sir Keith, ano pong nangyari?" Tanong ng kasambahay namin.
"Auh nadulas sa kamay ko Ya."
"Ako na po diyan Sir." Sabi niya at ipinulot ang mga basag.
"Wag na. Kaya ko na toh. Maghugas ka nalang ng pinggan." Sabi ko at sinunod ang utos ko.
Nilinisan ko nalang ang mga basag sa sahig at itinapon sa basurahan.
Umakyat nalang ako sa kwarto ko.
Iniisip ko pa rin ang pag iiwas ko kay Monica. Nginitian ko siya at nginitian niya din ako pero saglit lang yun. Nawala din bigla na parang bula.
Mamimiss ko ang mukha niya.
Mamimiss ko ang mga ngiti niya.
Mamimiss ko siya.
Gusto ko siyang kausapin kanina sa school pero hindi ko magawa. Gusto kong magsorry sakanya pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.
Nalulungkot pa rin ako sa nagawa ko sakanya. Nalulungkot pa rin ako nung hiniwalayan ko siya.
Ang dami kong iniisip. Isa na dun ang kasal namin ni Diana.
Bukas na ang kasal namin pero hindi pa ako handa. Si Diana matagal nang handa yun, ako nalang hindi.
Si Diana lang naman ang excited sa kasal namin, ako, hindi.
Parang gusto kong wag sumipot sa kasal namin bukas pero hindi ko magawa. Kung hindi dahil sa sinabi ni Diana sakin na sasaktan niya si Monica kapag hindi ako sisipot sa kasal.
Kasi ayoko lang masaktan si Monica. Nangako ako sakanya na poprotektahan ko siya kahit ano ang mangyari. Kahit na alam kong galit siya sakin dahil hiniwalayan ko siya at hiwalay na kami, tutuparin ko pa rin ang mga pangako ko sakanya.
Hindi na ako pumasok nung hapon sa school dahil pinauwi ako ni Mommy dahil kailangan ko daw maghanda para bukas. Kailangan kong magpahinga.
*riiing!*
Bigla namang tumunog ang phone ko sa side table.
Si Diana.
"Hello Diana?"
[How's your day Babe? Are you excited for tomorrow?]
"Yes. Okay lang naman." Kahit hindi naman ako excited. Nagsinungaling lang ako.
[Oh seriously? Are you ready? Matulog ka ng maaga Babe, bukas, finally, mag asawa na tayo. Sleep tight my fiancee. Good Night. See you tomorrow.] Sabi niya at ibinaba agad ang phone.
Bakit parang good mood siya ngayon? Eh alam ko kasi palagi siyang bad trip.
Tss bwesit. Naririndi din ako kay Diana minsan eh. Ang daldal at ang kulit niya. Ang hirap intindihin. Hindi naman siya ganito dati eh.
Parang naninibago nga ako sa kanya, maraming nagbago sakanya, sa pagkatao niya at ang ugali niya.
Iba siya kay Monica.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...