Keith's POV
"Sir Keith, saan po ba kayo pupunta? Magagalit ang Mommy niyo." Sigaw ni Yaya.
Katatapos ko lang magayos ng mga gamit ko.
Wala akong pakialam. Magalit siya kung magalit, wala naman siyang pakialam sakin eh.
"Siiiiir! Sandali lang po, tatawagin ko po ang Mommy niyo." Sabi ni Yaya at pinigilan ko naman siya.
"Ya, can you please stop? Wag niyong tawagin si Mommy, ako nang bahala na sabihin sakanya. Basta wag kayong magsusumbong na umalis ako?" Sabi ko.
"Pero sir, saan po ba kayo pupunta?"
"Sa lugar kung saan hindi ko na makikita ang pagmumukha ng mga tao dito." Sabi ko at tuluyan ng umalis bitbit ang mga gamit ko.
"Pero sir--------" Sasabihin na sana yun ni Yaya kaya lang nakaalis na ako.
Nagmaneho nalang ako ng sasakyan at dumeretso na sa Tagaytay.
Bahala na! Basta susundan ko dun si Monica.
Hintayin mo ko diyan, Monica. Andyan na ako.
Monica's POV
"Bakit Mom? Bakit bigla bigla nalang kayong nanggigising sa natutulog?" Inis na tanong ko.
Sa totoo lang, kagigising ko lang dahil sa biglaang pagtawag sakin ni Keith.
Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.
"Mahiya ka naman sa Anak ng Tito Chad mo, Monica, gigisingin ka sana ni Greg kaya lang tulog mantika ka pa. Dapat hindi mo dinadala sa ibang bahay ang ginagawa mo sa bahay natin." Sabi ni Mommy.
"Tsss! Patulugin niyo muna ako kahit saglit lang." Sabi ko.
"Inaantok ka ba talaga? May narinig kasi akong parang may kausap ka, sino yun?"
Uh-oh! Wag mong sabihin Monica na si Keith ang tumawag sayo, baka ano pang sabihin ni Mommy eh. Strikta pa naman yun at nagiiba ang aura niya kapag nagagalit.
"Mga classmates at kaibigan ko po, nangangamusta lang, hehe." Sabi ko. Mabuti naman kahit kaaga- aga, may napasok sa utak ko na kasinungalingan. Haist.
"Auh sige. Basta isang tawag ko pa sayo, ihihila na talaga kita diyan sa higaan mo." Sabi ni Mommy.
"Sige na. Eto na babangon na po." Sabi ko at agad agad bumangon sa higaan ko.
"Bilisan mo diyan. Mamamasyal daw kayo ni Greg." Pasyal na naman? Ano bang problema ng lalaking yun? Bakit mamamasyal na naman eh kahapon, namasyal naman kami huh?
"Tsss ayan na naman siya, sige po." Sabi ko nalang at nag ayos.
Pagkatapos kong mag ayos ay hindi muna ako naligo sa banyo dahil maliligo din ako mamaya sa swimming pool.
Ang linis kaya ng tubig nila.
Pumunta nalang ako sa dining area para maghanap ng makakain.
Ang cottage kasi parang bahay din. Lahat nandiyan.
Wala namang makakain dito. Dun kaya ako sa labas? May extra pera pa naman ako dito.
Lumabas naman ako sa cottage.
Kanina kausap ko lang si Mom ah? Bakit nawala siya kaagad? Saan nagpunta yun?
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Novela JuvenilAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...