Monica's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagfefacebook. Ang boring kasi kapag wala kang ginagawa sa bahay kundi kumain, matulog, kumain ulit at matulog haist.
Wala rin akong makakalaro o makipagkulitan, sana nandito si Ash yung makulit kong pinsan na pumunta ng ibang bansa. Kumusta na kaya siya dun? Ilang taon na kaya siya? Mula nung nandito kasi siya maliit pa siyang bata eh. Siguro gumwapo na siya.
Maisearch nga sa facebook si Ash at maipm siya.
( Ashton Cross Nimeñez - 100 mutual friends )
Imemessage ko na sana siya ng bigla ring may dumating na message at akalain mo yun, si Ash din ang biglang nagmessage sakin.
Ashton: Hi ate Moniiiii!
Maraming taon na ang nakalipas, hanggang ngayon ba naman tinatawag niya pa rin akong Moni? Tsss pagbigyan na nga lang. Monica for short Moni.
Monica: Hello Baby Ashton! :*
Talagang may kiss mark emoji pa talaga eh para damang dama naman niya. Nakita kong nagreply rin siya.
Ashton: Ateee hindi na nga ako baby! I'm a bigboy now.
Monica: Awsus! Edi wag mo na akong tawaging moni, ang pangit! Oh I need to go out na Baby Ashton ay este Bigboy Ashton, pakimusta ako sa parents mo ah? Mwaah babye! :)
Inasar ko nalang si Ash ng inasar hanggang sa nagreply siya bigla.
Ashton: Yan ang gusto ko sayo ate eh kaya mahal kita eh! Babye ate Monica! Sige po, kakain pa po ako eh. I miss you Ate.
Monica: I love you Ash. I miss you too.
Parang ang bilis lang diba? Parang biglang umiba ang tawag sakin ni Ash ah? Mabuti na yun, parang nakakalaswa kasi ang Moni eh. Gusto ko Monica lang ang tawag nila sakin.
Hindi na ko nagreply at naglog out nalang ako. Tinago ko nalang ang laptop ko sa cabinet at kinuha ko ang phone ko sa side table. Tawagan ko kaya si Bes? Ano kayang ginagawa ng bruha ngayon?
Sinagot naman kaagad niya ang tawag ko.
[ Hello? ]
"Hello Bes? Where are you now?" Parang kanina pa kong may naririnig na maingay sa kabilang linya. Saan ba ngayon si Bes?
[ Ano bes? Hindi kita marinig. ] Hindi mo talaga ako maririnig kasi ang ingay ng background mo. Bat ba ang ingay? Ano bang nangyayari sa bahay nila?
"Saan ka ngayon? Bat ang ingay diyan? Wag mong sabihing nasa bar ka? Besss!" Tanong ko. Narinig ko parang natawa si Chloe sa sinabi ko sa kabilang linya.
[ Sandali lang bes ah, maghahanap lang ako ng tahimik na lugar ------- Ayan na! Hahahahaha ano na? Anong sabi mo? ]
"Saan ka ba ngayon? Need ko ng makakasama ngayon dito sa bahay, pwede ka ba? Atsaka bat ang ingay diyan? Nasa bar ka ba?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...