Monica's POV
"MISS PAULINO!" Tawag ko sa coach leader namin nang makita ko siya na naglalakad.
Lumingon naman sakin si Miss Paulino. Tinawag ko siya kasi kailangan kong magexcuse sa kanya sa Friday na hindi muna ako magpapractice dahil pupunta ako sa bahay ng mokong na si Keith. Edi syempre para magpractice sa project namin.
"Oh? Bakit Miss Azarcon?" Sabi niya. Sana payagan niya ako!
"Auh sorry po sa abala coach pero pwede po ba akong hindi muna magpapractice sa cheerleading sa Friday? May pupuntahan po kasi akong importante po sana." Sabi ko ng mahinahon. Nakikinig lang sakin si Miss Paulino habang nagpapaliwanag ako.
Sana po pumayag po kayo! Para po ito sa grades ko! Huehue :// Yung partner ko po kasi ang may gusto na Friday ang date ng first practice namin at ang malala pa ay sa bahay niya pa kami magpapractice.
"Sure why not? Miss Azarcon." Ano daw? Yehey! Oops? Hindi ako masaya na hindi ako magpapractice ng cheerleading huh? Masaya lang ako kasi makakapractice ako ng sayaw at kanta kasama yung partner kong mukhang ewan. Eww! Para sa ekonomiya! Para sa grades, Monica!
Ang bababa kasi nung grades ko nung first quarter dahil palaging late ako kaya kailangan kong bumawi for second quarter. Palagi lang naman akong late but matataas naman ang grades ko all subjects.
"Talaga po? Thank you po Miss Paulino. Di bale po, magpapractice pa din ako next week. Salamat po." Ang buong akala ko strikta tong teacher na ito yun pala may kabaitan din. Sabi ko nga, strikta lang sa practice, pero mabait naman sa labas. Ewan ko nga ba kung bakit maraming babae ang naiinis sa kanya. Insecure lang yan teh! :>
"Oh siya sige na. Mauna na ako. See you next week at practice." Alam ko naman ang schedule ko sa cheerleading eh.
Umalis na rin si Miss Paulino at naglakad nalang ako palabas ng school at para makauwi na.
*FAST FORWARD*
*kriiinng! kriing!* (FRIDAY)
WTH? Aber? Ano ba naman na tunog yun? Nambibigla nalang eh. Kitang may natutulog dito!
Anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan at pinatay ko naman iyon agad. Himala bakit maaga akong nagising ngayon?
Buti pa siguro babangon na ako dahil its Friday na! Ito ang paborito kong day, because maraming vacant classes, meetings and wala masyadong ginagawa. Hay ang saya lang.
Naalala kong pupunta pala ako ng bahay ng mokong? At teka paano nga ako makakapunta sa kanila kung hindi ko alam kung saan ang bahay nila?
Hindi ko naman matawagan o matext ang mokong dahil hindi ko nahingi ang number niya. Ano? Ako pa ang hihingi ng number? Parang baliktad naman ata. Tss.
Pumunta na kaagad ako ng banyo dahil maliligo na ako.
"Monica?" Rinig kong sigaw ni Yaya Paula galing sa labas ng room ko.
"Bakit po Ya?" Sigaw ko habang nasa banyo pa.
"May bisita ka sa labas!" Sigaw naman ni Yaya.
ANO? MAY BISITA? AT SINO NAMAN? Lumabas naman ako ng banyo nang nakatwalya lang. Baka kasi si Chloe o si Mika yung mga bisita. Hindi pa naman ako nalelate eh kaya pwede pa kong tumagal dito sa bahay. Sanay naman na ako na nakatwalya lang ang nakatabon sa buong katawan ko matapos maligo. Alam kong ganito din ang lahat ng babae (siguro di naman lahat).
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Novela JuvenilAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...