Monica's POV
"Magkita tayo sa park ngayon. Aasahan kong dadating ka."
Halos mapabangon ako sa higaan ko dahil tumawag sakin si Keith. Ni hindi na nga ako nakapagsalita dahil ibinaba na niya agad.
May pakialam pa pala siya sakin? May gana pa talaga siyang tawagan ako.
Makipagkita ka ba sakanya Monica matapos ka niya hindi nilapitan kanina? Diba galit ka sakanya?
Argh! Bahala na. Gusto ko naman siyang makausap.
Nag ayos agad ako at agad agad lumabas ng bahay.
Bakit niya gustong makipagkita?
*dug! dug!*
Bigla naman tumibok ang puso ko. Bakit siya tumibok? Bakit ako nakakaramdam ng kaba?
Naglakad nalang ako papunta sa park.
Pagkadating ko sa park ay nakita ko na nandun na ang sasakyan niya.
Kaya mo yan, Monica! Makipagkita ka lang naman sa boyfriend mo eh, anong masama dun? Tandaan mo, galit ka sakanya!
Nakita ko siya na nakatayo at nakatalikod sakin sa park.
"Keith?" Tawag ko sakanya. Tumingin naman siya sakin.
Namimiss ko na siya. Kapag kaharap ko siya, gusto ko siyang yakapin at kausapin.
"Dumating ka." Sabi niya.
Bakit parang iba na ang pagturing niya sakin? Bakit parang iba na ang ugali niya? Hindi na siya ang dating Keith na kilala ko at ang boyfriend ko na minahal ko dati.
"Namimiss na kita boyfriend ko. Bakit hindi ka man lang nagpaparamdam?" Tanong ko. Namiss ko ang pagtawag sakanya ng Boyfriend Ko.
"I'm sorry? Gusto kong makipagkita sayo dahil may sasabihin lang ako sayo." Sabi niya.
Bakit Keith? Bakit mo ginagawa to?
Parang iiyak na ako ngayon dito sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinasabi niya sakin ngayon.
"Ano pa ang sasabihin mo? Nakita ko kayo kanina ni Diana na magkasama, nakita ko din na nakita mo ko, akala ko lalapitan mo ko o kakausapin pero hindi eh. Tinignan mo lang ako. Ang sakit nun Keith." Sabi ko. Tumulo nalang ang luha ko.
"Gusto ko lang sabihin sayo na maghiwalay na tayo, Monica!"
Parang sasabog ang puso ko sa narinig ko.
Makikipaghiwalay siya sakin? Ano bang nakain niya? Okay pa naman kami dati, huh? Bakit ang bilis naman niyang sumuko? Ang bilis niyang sumuko sa relasyon namin?
Ito na yata ang pinakamasakit na naramdaman ko galing sakanya.
"Ano? Seryoso ka ba Keith?" Tanong ko.
"Yes I'm serious, Monica. I'm so sorry." Sabi niya.
Akala ko nagbibiro siya. Bakit siya nakipaghiwalay sakin?
"Nangako ka sakin Keith na hindi tayo maghihiwalay pero parang hindi ko naman matanggap yung sinabi mo."
"I'm sorry pero hindi na kita mahal, Monica. Sorry kung hindi kita kinakausap at pinapansin, hindi ko na kaya. Pagod na ako, Monica."
Sa lahat ng mga sinabi niya, ito ang pinakamasakit. Marami siyang ipinangako sakin tapos hindi niya tutuparin yun? At susuko na siya agad?
"Mahal pa rin kita Keith. Pwede naman nating pag usapan toh diba? Bakit susuko ka na agad?" Tanong ko sakanya habang umiiyak.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Fiksi RemajaAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...