💠Chapter 33: Doubt💠

1.1K 35 1
                                    


Monica's POV


Pagkauwi ko ng bahay ay sinalubong na kaagad ako ni Yaya Paula.


"Monica? Ikaw ba yan?" Tanong kaagad sakin ni Yaya.


"Ako po toh Yaya. Nagpaganda lang po ako hehe." Sabi ko.


Tumingin si Yaya sakin mula ulo hanggang paa.


"Oh bakit naisipan mong magpaganda, Monica? Umiba na ang itsura mo ha?" Sabi ni Yaya.


"Pumunta po kasi ako sa bahay ng kaklase ko eh, pero bawal po bang magpaganda ang alaga niyo? Hahaha!" Tawa kong sabi. Tama, yan kasi ang pumasok sa isip ko.


"Hindi naman. Mukhang hindi kita nakilala eh. Ang ganda mo Monica!" Sabi ni Yaya. Matagal na kaya Ya!


"Si Yaya talaga pero salamat Yaya. Si Mommy at Daddy po?" Tanong ko.


"Hindi pa umuuwi eh. Halika, paghanda kita ng hapunan."


"Ya, kumain na po kasi ako dun eh. Bibihis lang po muna ako." Sabi ko at tumango naman si Yaya Paula at umakyat na ako sa taas.


Pagkadating ko sa kwarto ko ay inilapag ko nalang lahat ng gamit ko sa kama at humiga muna ako saglit.


Whooo! Anong huli niyang sinabi?


"YOU LOOK BEAUTIFUL TONIGHT, ANGRY BIRD!"


Kahit may halong asar pa ako na tinawag niya akong angry bird ay may bigla na naman akong naramdaman. Ewan ko kung ano pero ano bang ibig sabihin niya? Na nagagandahan siya sakin? Bakit mo ba binibig deal yun, Monica?


Ang pinagtataka ko lang kasi ay bakit niya sinabi yun? Dapat hindi niya sasabihin yun kasi slave niya ako at naiinis siya sakin, pero bakit biglang umiba ang tono niya kanina? Naguguluhan ako!!


Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.



Keith's POV


"She's a beautiful girl, Keith! And ang yaman ng family niya. I like her" Sabi sakin ni Mommy.


"Gusto niyo lang ba siya kasi mayaman siya? Eh sa dati kong girlfriend Mom, mayaman din naman siya pero bakit hindi niyo siya gusto?" Inis kong sabi kay Mommy habang tumayo sa kakaupo dito sa sala.


"Matagal na yun, Keith! Hindi ko gusto si Diana kasi masamang tao siya. Si Monica, gusto ko siya kasi nung nakita ko siya kanina, ang gaan ng naramdaman ko sakanya."


Ano? Masamang tao? Baka siya ang masamang tao? Pilit niya kaming hiniwalay ni Diana kasi hindi niya gusto para sakin si Diana.


"What? Masamang tao? Anong ebidensya Mom?" Sabi ko.


"Can you please forget about the past, son? Dati pa yun at tapos na yun, may bago ka nang girlfriend, hindi ka pa rin ba nagmomove on kay Diana?" Sabi ni Mommy.


"Nagmomoveon na ako pero kapag makita ko kayo palagi, palaging nagsisink in sa utak ko ang ginawa niyo." Sabi ko.


Nabebwesit ako kapag pinag uusapan namin ang taong iniwan ako, sinaktan ako, at ang taong wala dito.


"Hindi mo naiintindihan Keith! Wala akong evidence pero hinding hindi ko talaga gusto yung babaeng yun kahit maganda man siya o mayaman, pero ang ugali niya? Hindi ko gusto!" Dahil lang sa ugali, nagkakaganyan siya? Mabait si Diana dati, strong ang relationship namin pero sinira ni Mommy yun.


The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now