[ Si Monica nasa multimedia :) ]
Monica's POV
Its Saturday today and walang pasok. Maaga akong nagising na naman para makapaghandang magjogging. Yes nagjojogging kaya ako kapag umaga kung walang pasok. Parang ang sarap sa pakiramdam kapag nakajogging ka pero nakakapagod din.
Sinuot ko na agad ang jogging attire ko at lumabas na ng bahay. Maganda sana meron akong puppy na pwedeng dalhin. Namiss ko tuloy si Bench, yung aso kong namatay dahil sa sakit pero bata pa ako nun, matagal tagal na rin.
Next week na rin pala ang simula ng practice namin sa cheerleading squad ni Chloe. Excited na ako. Hindi ko pa nasasabi kina Mommy and Daddy na natanggap ako sa cheerleading squad, busy kasi sila. Palagi. Sabi kasi ni Yaya, baka mga 1 week daw silang hindi uuwi dito. Akala ko pa naman uuwi sila nung isang araw, di pala! Iniwan lang nila ang anak nila sa bahay ng walang paalam at pasabi.
Pagkalabas ko ng bahay nararamdaman kong ang sariwa ng hangin, parang gusto mong manatili sa labas nalang eh. Pati yung panahon, nakikisakay na rin eh.
Nagjogging na ako mula sa labas ng bahay hanggang sa unahan ng subdibisyon namin. Nang mapagod ako ay nakakita naman ako ng park at umupo muna ako dun at uminom ng tubig.
Nagpahinga muna ako at pinapanuod nalang ang mga bata sa park na naglalaro. Ang saya saya nila tignan. Kasama pa nila ang mga parents nila na nag aalaga sakanila.
Naaalala ko nung bata ako habang naglalaro ako ay kasama ko din sina Mommy and Daddy, nagpupunas ng pawis ko, nagpapatigil sa akin sa paglalaro kahit ayoko pero iba na ngayon eh, malaki na ako at wala nang pakialam sakin ang parents ko.
Nagulat ako ng makita ko ang isang bata na parang 8 or 9 years old na nadulas matapos makipaghabulan sa mga kaibigan niya. Tumayo naman ako at tinulungan siya.
Naalala ko rin nung bata ako na may tumulong saking isang lalaki. May umaapi sakin noon na tatlong lalaki tapos may biglang dumating na lalaki at tinulungan ako. Ang bait niya sobra pero hindi ko alam kung ano ang pangalan niya at hindi ko nakita mukha niya nun at tumakbo nalang kaagad siya nang makatayo na ako. May sinabi pa ko bago siya makaalis nun na "Sandali lang... " pero nakalayo na siya. Magpapasalamat pa sana ako nun pero yun na ang huli ko na nakita siya. Sino kaya yung boy na tumulong sakin nung inaapi ako ng mga lalaki noon? Nandito pa kaya siya?
"Bata, okay ka lang ba?" Tanong ko sa bata. Tinignan niya lang ako at hinahawakan ang kanyang paa na nasugatan. Nakung bata ka, paano kung malaman ito ng parents mo? Teka, saan ba mga magulang nito?
"Ayos lang po ako Ate. Salamat po." Sabi niya. Ang kyut kyut naman kasi nitong batang toh eh, sarap kurutin. Sana may kapatid ako para may kalaro naman ako. Parang kaedad ni Ash.
"Saan mga magulang mo, Bata?" Tanong ko ulit.
"Hindi ko po sila kasama Ate ganda eh, ako lang po mag isa. Diyan lang naman po sa harap ang bahay namin." Natawa nalang ako nang tawagin niya akong Ate Ganda!
"Auh ganun ba. Hala may sugat ka." Sabi ko nang muntik ko nang makalimutan na may sugat pala siya.
"Halika, sumama ka sakin, gagamutin ko yan-------"
"KUYA GREG!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumigaw yung Bata. Kuya Greg? Sino yun?
"Nandyan ka lang pala, Louie. Kanina pa kita hinahanap. Ba't ka may---------- Sino yang kasama mo?" Louie pala ang name ng batang toh. Parang natigilian pa ang lalaki nang makita ako. But wait pamilyar tong lalaking to ah?
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...