Monica's POV
Kadadating ko na sa school at marami na agad ang tumitingin sakin at nagbubulungan. Kailangan mong masanay sakanila para hindi ka na namomroblema ng ganito.
"Yuck! Siya ba talaga yan? Hahaha Monica Malandi! Hahaha!!"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na lapitan sila pero hindi ko magawa. Ayokong saktan ang sarili ko.
Hinayaan ko nalang sila at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
"Ang feeling na akala mo ikaw ang girlfriend ng isang gangster yun pala, slave lang siya! HAHAHA diba girls?"
"Yes ofcourse."
Parinig na sabi ng babaeng nadaanan ko.
Mahiya muna kayo sa sarili niyo bago kayo manghusga ng kung anu-ano. Alamin niyo muna ang buong istorya bago niyo ilabas ang mga hinanakit niyo sakin.
Parang gusto kong sabihin sa lahat ng students dito pero baka pagtawanan at hindi lang nila paniniwalaan. Mabuti nalang kung mananahimik nalang ako.
"So funny! HAHAHA!" Tawa ng isang babaeng nasa bench.
Hayaan mo na nga sila, Monica! Husgahan lang nila ako ng husgahan, wala akong pakialam. Mapapagod naman sila sa huli eh.
Pumasok nalang ako sa classroom pero wala pa ang dalawa kong kaibigan. May kasalanan pa pala ako sa kanila, iniwan ko sila at umuwi nalang ako kahapon ng maaga. Sana nabasa nila ang text ko.
Yumuko muna ako sa desk ko habang wala pa yung teacher.
Pinoproblema ko pa rin yung sinabi ni Keith na girlfriend niya ako sa maraming students at yung nangyari kahapon napalakas ang sigaw ko at rinig na rinig iyon ng mga students.
Parang wala na akong mukhang ihaharap sa kanila. Nahihiya akong lumabas, maglakad, umuwi, parang gusto kong umuwi na lang at magmukmok sa kwarto.
"Monica?" Napatingala naman ako sa nagsalita.
Si Chloe pala kasama si Mika na mukhang may problema.
"Oh bakit?" Tanong ko.
Mabuti naman hindi sila galit sakin.
"AKALA MO BA PALALAMPASIN NAMIN ANG GINAWANG PAG IWAN MO SAMIN AT TANGING SI GREG LANG ANG NADATNAN NAMIN DUN SA TABLE NATIN?"
"HINANAP KA NAMIN, HINDI NA NGA KAMI PUMASOK SA 1ST CLASS PARA LANG HANAPIN KA, SOBRA 20 MINS KAMING HINANAP KA, TAPOS UUWI KA NALANG NG GANUN GANUN LANG? SUMAGOT KA!!"
Woooh! Galit nga sila! Huhuhu! Ano ng gagawin ko? Galit na sakin ang mga kaibigan ko? Pero natouch ako sa kanila kasi nageffort talaga sila para lang hanapin ako.
"Ahm? Sorry guys ah! May -------" Hindi na ako nakatapos sa pagsasalita nang nagsalita din si Chloe.
"ANONG NANGYARI SA INYO NI KEITH? BAKIT KA NIYA HINILA?" Sigaw niya.
Hinila? Paano niya nalaman??? Argh si Greg!
"Nag usap lang kami." Sabi ko. Sasabihin ko ba sakanila na slave niya ako? Tsss! Hindi na pala ngayon.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...