💠Chapter 53: Tagaytay Part 1💠

848 20 0
                                    



Greg's POV


"Tito, sorry po talaga sa abala, huh? Kailangan ko po talagang pumunta sa Tagaytay. Hindi ko kayo sinabihan dahil hindi ko din alam toh, hindi ko alam kung bakit kailangang nandun ako sabi ni Dad." Sabi ko kay Tito habang kausap ko siya sa phone.


Nagiimpake na ako at nagliligpit na ako ng mga gamit ko dahil ngayon na kami aalis papunta sa Tagaytay.


[Sana sinabihan mo na ako ng maaga para mabigyan kita ng leave. Haist bakit ngayon mo lang kasi sinabi sakin na pupunta kayong Tagaytay?]


"Sorry ho ulit Tito. Nakalimutan ko kasing sabihan sainyo eh."


[Oh sige, papayag na akong mag leave ka, tutal kasama mo naman ang Daddy mo, so okay. May aasikasihin din kami ng Mommy mo at ng Tita mo sa company.]


"Thank you po Tito. Basta pagkabalik ko po, mag tatrabaho na po ako ng maayos ng nasa oras at hinding hindi na po ako malelate." Sabi ko.


[Ikaw talaga, sige na. Basta totohanin mo yung sinabi mo.]


"Yes tito. Bye po."


Ibinaba ko naman ang phone ko at nagpatuloy nalang ako sa pagliligpit ng gamit ko.


Kaya lang naman ako sumama dahil kasama si Monica papuntang Tagaytay.


"Anak, ready ka na ba diyan?" Biglang tanong ni Daddy sakin pagkapasok niya ng kwarto ko.


"Okay na."


"Bat ang kaunti lang ang dala mo?"


"Eh 1 week lang naman tayo dun eh. Mabilis lang." Sabi ko at lumabas nalang ng kwarto dahil tapos na ako sa pagaayos.


"Kinausap mo na ba yung Tito mo tungkol sa trabaho mo?" Tanong niya at sumunod sakin palabas ng room.


"Oo kanina lang. Pumayag din naman siya." Sabi ko at bumaba na ng hagdan.


"Sinabihan mo na ba siya na 1 week ka dun?"


"Oo."


"Ok. Nakahanda na ang kotse sa labas, maaga pa tayong magbabiyahe kaya bilisan mo na." Sabi niya at lumabas nalang.


Pagkatapos kong gawin ang lahat kong gawain ay lumabas na ako ng bahay.


Masaya na ako na makikita kita Monica. Sana wala ng sagabal pa.


Eto na ang oras para sabihin ko sakanya na mahal ko siya.


Monica's POV


"Oh ano na anak, ready ka na ba?" Tanong sakin ni Mommy pagkapasok niya sa kwarto ko.


Eto na ang araw na pupunta kami ng Tagaytay. Sayang lang, hindi ko kasama si Keith.


Ano kaya ang ginagawa nun ngayon? Hindi man lang siya nag text sakin ng good bye man lang. Eh ano pa ang itetext niya sayo eh nagpaalam naman na siya kagabi?


Haist wag mo nga munang isipin yung boyfriend mo, ang isipin mo, pupunta na kayo ngayon ng Tagaytay.


I'm so excited.


"Yes Mom, im ready na. Let's go?" Sabi ko at palabas na ng room.


"Mauuna tayong pumunta dun sa Tagaytay dahil malelate daw muna sina Tito Chad mo." Sabi ni Mom.



The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now