Monica's POV
Dumating na si Mommy mula Tagaytay kahapon ng umaga. Nandito kami ngayon sa dining area at kumakain ng almusal.
"How's your day Monica?" Tanong sakin ni Mommy.
"Its okay Mom." Sabi ko.
"Oh so how's your school?" Tanong niya ulit.
"Its also okay Mom. Nakahabol na sa mga school works ko na hindi ko naitake." Sabi ko.
Sana hindi niya tatanungin yung about sa boyfriend thingy and sana hindi siya muna magiging strikto.
"That's good. By the way, Honey, may boyfriend ka ba?"
Nabulunan naman ako sa pag inom ko ng tubig ng bigla akong tanungin ni Mom.
Huhu magsisinungaling ka na naman Monica? At sa Mommy mo pa?
"Oh parang nagulat ka naman?" Tanong ni Mommy.
"Auh wala po. Nasamid lang, bakit niyo naman naitanong?" Nasamid daw? Eh sabihin mo nalang kasi na nagulat ka sa tanong niya.
"Wala lang baka kasi may itinatago ka samin ng Daddy mo na hindi mo masabi samin." Tumingin lang ako kay Daddy at ngumiti lang siya sakin.
"Auh eh-----" Hindi na ako pinatapos ni Mommy sa pagsasalita ko dahil nagsalita na siya.
"Nevermind. Alam ko naman na wala kang boyfriend kasi hindi mo naman sasawayin ang sinabi ko sayo na hindi ko gusto na magkakaboyfriend ka. Tapusin mo muna ang pag aaral mo bago ka magkaboyfriend." Sabi ni Mommy.
Paano na kung sasabihin ko kay Mommy ang totoo? Baka magagalit siya sakin o palalayasin niya ako.
(Layas talaga, Monica?)
"Auh Mommy, ang totoo niyan...."
"Excuse me, I will take this call...hello?" Sabi ni Mommy at tumayo hawak ang phone niya. Bigla kasing tumunog eh.
Ohh! Muntik na yun ah.
"Wag kang magsinungaling sa Mommy mo, alam mo naman na bawal kang magkaboyfriend. Bigyan mo lang ng konting oras na sabihin sa kanya habang hindi pa mainit ang ulo niya." Sabi sakin ni Daddy.
"Yes po. Mamaya po, sasabihin ko na sakanya."
Dapat mamaya masabi ko na bago niya pa malaman na may boyfriend ako. Titiyakin ko na hindi mainit ang ulo ni Mommy bago ko sabihin sakanya ang totoo.
"Kumain ka na diyan baka malate ka pa. Sasabay ka samin ng Mommy mo. Ihahatid ka namin." Sabi ni Dad.
Tumango nalang ako.
Sana nga magugustuhan ni Mommy si Keith. Salamat kay Dad dahil gusto niya si Keith at suportado niya ako sa lahat ng gusto ko.
Sana nga hindi magagalit si Mommy. Sorry Mom.
"Ano ulit sabi mo Monica?" Tanong ni Mommy.
"Auh wala na po yun." Sabi ko at kumain nalang.
"Basta mamaya, umuwi ka ng maaga. Nabalitaan ko kasi na may curfew na sa mga teenagers, kaya wag kang magpagabi ng uwi. Magtetext ako kay Yaya Paula kung nakauwi ka na." Sabi ni Mommy.
Waaaah! Nagbabalik na ang strikta kong Mommy. Hindi ko na magagawa ang gusto ko. Di tulad ng dati na puro business lang ang inaatupag niya, ngayon, ako naman!!
*****
"Labas tayo mamaya, girlfriend ko!" Sabi sakin ni Keith.
Nandito kami ngayon sa field. Magkasama. Humihiga ako sa lap ni Keith.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...