💠Chapter 36: Argh💠

1.1K 23 0
                                    


Monica's POV


Nagising ako dahil sa mainit na sikat ng araw. Bakit mas lalong lumambot ang kama ko?


Kyaaaaah! Kaya pala, nandito pala ako sa condo ni Keith! Naalala ko na dito pala ako natulog dahil nastranded ako sa sobrang lakas ng ulan kahapon.


Napansin kong wala na sa higaan niya si Keith. Saan na yun? Bat ang aga niyang nagising?


Bumangon nalang ako at nag ayos dahil kailangan ko pang umuwi sa bahay namin dahil may pasok pa ako at kailangan ko pang mag ayos.


Napakawalanghiya talaga ni Keith! Ginamot ko nga siya kahapon tapos iiwan niya lang ako dito?


Mokong nga talaga!!!


Napansin kong may isang papel sa side table. Kinuha ko naman iyon at may nakita naman akong pera sa loob nito. Binasa ko nalang yung sulat.


To my slave,
Umuwi ka nalang. Nagbilin ako ng pera diyan, pamasahe mo. Siguro alam mo naman ang daan papunta sa bahay niyo.
Ang boss mong gwapo,
Keith :)


Bakit kapag sumusulat siya ng liham, nilalagyan niya talaga ng BOSS MONG GWAPO! Kainis!


Pero anong gagawin ko sa pera? Eh may kotse naman ako. Hayaan mo na, itatago ko nalang toh.



Nakakabwesit! Hindi na nga niya ako sinundo sa bahay niya kahapon, hindi niya din ako ginising at inihatid. Akala ko ba friends na kami? Sino namang may sabi na friends na agad kayo ni Keith? Eh hindi niya naman sinabi eh.


Initapon ko nalang ang papel at lumabas ng condo niya.


****


*beep! beep!*


Nagbusina naman ako sa bahay namin at binuksan naman iyon ni Yaya Paula. Mabuti nalang hindi ako naligaw. Hindi pa kasi pamilyar sakin ang lugar na yun.


Bumaba nalang ako sa kotse ko at sinalubong naman ako ni Yaya Paula.


"Monica? Bat ngayon kalang umuwi?" Tanong sakin ni Yaya.


"Auh kasi po Ya------------"

Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang natulog ako sa bahay ni Mokong ay este ni Keith? Baka ano pang isipin ni Yaya eh.


"Auhh------ natulog po kasi ako sa bahay ng kaklase ko------- opo! Tama! Natulog po ako sa bahay ng kaklase ko kasi ang lakas po ng ulan kagabi kaya dun nalang po ako natulog." Paliwanag ko. Nagsinungaling na naman ako!


Tumango nalang si Yaya at wala ng nasabi at pinapasok niya nalang ako sa bahay.


"Ya, saan si Mommy at Daddy?" Tanong ko pagkapasok ko ng bahay.

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now