Monica's POV
"Boyfriend ko, nandito na tayo" Sabi ko kay Keith.
Its Saturday. Kaya mamayang gabi, gusto nang makilala ni Mommy si Keith.
Bumaba naman kami sa kotse ni Keith. Sinundo niya kasi ako dahil tinawagan ko siya kanina na kailangan niyang sumama sakin kaya sumama naman siya.
Magkasama kami ngayon dito sa mall.
Kailangan ko siyang ayusan at bilhan ng magagandang damit para maging presentable naman siyang tignan kay Mommy.
"Bakit ba tayo nandito, girlfriend ko?" Tanong niya.
"Syempre, kailangan maging presentable ka sa harap ni Mommy mamaya." Sabi ko sakanya.
"Hindi naman kailangan eh. Gwapo at presentable na nga ako ngayon oh!" Sabi niya.
Naka maroon tshirt siya at naka pants. Mukhang napapangitan ako sa suot niya pero bagay sakanya. Gwapo siya eh.
Pero mas maganda pa kapag mas maganda pa ang susuotin niya mamaya.
Pumasok nalang kami sa loob ng mall.
Wala na siyang nagawa kundi sumama sakin.
Una kaming pumasok sa isang dress shop.
"Pumili ka diyan!" Sabi ko sakanya pagkapasok namin.
Mabuti nalang, binigyan ako ni Daddy ng allowance.
"What? Ang mahal dito, girlfriend ko! Wag na nga lang." Sabi niya.
Ang yaman yaman niya, namamahalan siya? Eh dati nga, minake over niya ako eh.
"Ang yaman yaman mo boyfriend ko, tapos namamahalan ka? Ikaw nga eh, minake over mo ko dati. Ang dami mong pera nun. Kahit mahal, binibili mo para lang pagandahin ako. Pero thanks para dun boyfriend ko. Tapos ngayon, ako naman ang magpapagwapo sayo." Sabi ko sakanya.
"Salamat Girlfriend ko. Kahit gwapo na ako, papagwapuhin mo pa ako. Teka, parang ang dami naman ng pera mo ngayon?" Tanong niya sakin.
"Binigyan ako ni Daddy ng allowance." Sabi ko.
"Auh." Sabi niya.
Kumuha ako ng mga damit na nababagay sakanya at ibinigay ko naman sakanya para ifit niya sa fitting room.
"Eto muna." Sabi ko ng ibinigay ko sakanya ang longsleeves na kulay blue. Kinuha naman niya agad.
Pagkatapos ay lumabas na agad siya.
"Oh, okay na ba toh?" Tanong niya.
"Hmm! Wag na yan. Ang sagwa ng kulay blue. Ito nalang." Sabi ko at ibinigay sakanya ang kulay red na stripes.
Sinukat naman niya iyon at lumabas.
"Wag yan. Ito, sukatin mo nga." Ibinigay ko ulit sakanya ang kulay blue na tshirt nalang. Para simple.
Lahat ng damit nababagay sakanya pero napapangitan lang ako dahil parang hindi pang presentable eh.
Lumabas naman agad siya.
O____O
Parang ang gwapo naman niya! Bagay na bagay sakanya ang suot niya.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...