💠Chapter 31: Meet The Parent (Part 1)💠

1.1K 33 1
                                    


Keith's POV


"Ya, andyan na ba si Mommy?" Tanong ko kay Yaya. Kakadating lang ni Yaya kasi pinauwi ko siya sa bahay nila kasi kumuha muna ako ng slave at yun nga si Angry Bird.


"Wala pa po pero tumawag po sakin ang Mommy niyo, sunduin niyo daw po siya sa airport ngayon din po." ANO? Paano ang klase ko? May pasok pa ako!


Bakit ba kasi ngayon pa umuwi yun? Masaya na sana kung wala siya dito eh! Magagawa ko lahat ng gusto ko.


"Ano? Sana sinabi niyo po sa kanya na may pasok ako. Hindi ba siya pwedeng umuwi mag isa? Bakit kailangan ko pa siyang sunduin sa airport? Sorry po ya, kayo nalang po ang sumundo, isama mo na po ang guard natin, at magdate nalang kayo agad. Tsss!" Sabi ko kay Yaya.


"Pero sir--- kayo po---------" Hindi ko na siya pinatapos at lumabas nalang ako ng bahay.



Madami pang satsat! Malelate na ako eh.


*beeeeep!*beeep!*


Palabas na sana ako ng bahay na nagmamaneho ng kotse nang may biglang bumusina din ng sasakyan sa labas ng bahay.


Sino toh? Si Mommy na ba toh? Sabi niya, susunduin pa daw siya sa airport.


Bumaba nalang ako sa kotse ko at tinignan ang sasakyang tumigil sa harap ng bahay.


Kotse ni Mommy toh ah? Andito na siya agad? Bakit niya pa ako ipapasundo sa kanya eh umuwi na pala siya.


Bumaba naman kaagad ang taong nasa sasakyan.


"Anak!" Tawag niya sakin.


"Mommy? Bat ang aga niyong umuwi? Akala ko mamayang gabi pa kayo uuwi?"


"Ya, pakilagay nga ang mga gamit ko sa bahay." Utos niya kay Yaya. Sinunod naman ni Yaya ang iniutos sa kanya.


"Sorry kung maaga pa ako at sinabi ko sayo na mamayang gabi pa ako uuwi, gusto lang kitang isurprise." Eh nasurprise na nga ako eh!


"Surprise? You surprise me Mom. Very." Sabi ko. Niyakap lang ako ni Mommy.


"I miss you Baby. Sorry dahil naging bad ako sayo last time." Sabi niya. Okay? Nagsorry sya? But anong nakain nito?


"Tsss sorry? Kailangan ko nang pumasok Mom. Bye." Sabi ko nalang. Hindi ko pa rin siya mapapatawad sa ginawa niya sakin dati. Hindi ko parin nakakalimutan yun. Sana wala lang siya dito eh, para magawa ko ang lahat ng gusto ko, kaya lang umuwi na siya, ipapakilala ko si Angry Bird kay Mommy bilang Girlfriend ko kahit slave ko siya.


"Wait! Mag usap muna tayo, pls?" Bat biglang umiba tong pakikitungo niya sakin?


"Ano pa ang pag uusapan natin, Mom? About ba dun sa pagsampal mo sakin, oo, pinatawad ko na kayo dun dahil tapos na yun, pero nung nagkagirlfriend ako, ayaw niyo sa babaeng mahal ko dati? Akala niyo nakakalimutan ko pa yun?Hindi ko pa rin kayo mapapatawad dahil dun."


Matagal na din kasing gusto ni Mommy na magkagirlfriend ako, ewan ko ba! Dati nga, nagkagirlfriend ako pero hindi naman niya gusto ang girlfriend ko.


Dahil sakanya, iniwan ako ng girlfriend ko dati. Gusto niya akong magkagirlfriend tapos sasabihin niyang ayaw niya sa girlfriend ko? Baliw ba siya? Kaya ayoko siyang patawarin. Madami na siyang kasalanan sakin.


"Sorry dahil dun. Ayoko talaga sa babaeng yun. Ayoko kay Diana. Ayoko lang na mapahamak at masaktan ka Anak kaya ayaw ko sakanya dati. May nalaman ako sakanya. You deserve a better person not like Diana."


The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now