💠Chapter 18: Mika's POV💠

1.4K 40 0
                                    


( Bigyan natin si Mika ng POV )
Mika's POV

Woohhooo yes! Nagkapov na rin ako sa wakas! Thanks author! ( Naawa ako sayo!, ano magaling ka na ba?)

Yes! Im so very feeling well, Author! Thanks for your concern. Mwaaah :* ( Che! Magkwento ka na nga! )

So, kaya first POV ko ito, magpapakilala muna ako.

Hi madlang pips, ako pala si Mikaela Audrey Perez Jacinto Bernardo Dela Vega, joke! Ang haba naman nun! Just call me Mika for short.

Galing akong P.U. means Philippians University. Lumipat ako ngayon sa W.S.A means Winstone School Academy. Sasabihin ko pa ba kung bakit ako lumipat ng school?

Waaaaaag na nga! Oras ito ngayon ng story ko, hindi flashback! Mahaba haba kasi eh.

Ishortcut nalang natin para mas maikli. Hihihi :3

Ito kasi yun, inilipat ako ni Mommy dito sa WSA dahil lumipat din kami ng bahay. Kung saan malapit daw na school, dun ako mag aaral. Kaya eto, malapit lang samin ang school ko kaya dito ako pinalipat ni Mommy. At yun na yun. Eh? Saan ang mahaba dun? Tssss!

Sikat ako dati sa P.U. Kilala ako ng lahat dahil sa kagandahan ko! ( Ay! Ambisyosa lang? ) Pero totoo yun noh! Pero panandalian lang yun, nagkaroon kami ng kunting hindi pagkakaintindihan ng parents ko about sa grades ko. Yun ang isa sa mga dahilan kung bakit ako ipinalipat ng ibang school. Panandalian lang ang pagiging sikat ko!

Pero iba na ngayon ang buhay ko nung lumipat ako ng school. Wala na akong ibang kaibigan kundi ang pinsan kong si Chloe na nag aaral sa papalipatin kong school. Isa na ding dahilan ito sa paglipat ko, dahil nandito din ang pinsan ko.

Masaya ako dahil nakapasok ako dito sa WSA kahit na hindi pa masyado akong pamilyar dito lalo na ang mga mukha ng mga students. Mukhang mababait naman sila.

May ipinakilala sakin si Chloe, si Insan, kaibigan niya daw at yun nga si Monica. Naging magkaclose na din kami ng sinamahan niya akong mag ikot sa buong campus. Sinamahan niya din akong makapasok sa cheerleading squad. Dati din akong cheerleader sa P.U dahil iyon ang gusto ko.

Nagpapasalamat ako sa kanya dahil nakilala ko siya. Ang bait niya sobra pero may pagkamakulit!

Nalaman ko din na dito din pala lumipat ang The Gangsters. Yes, dun din sila galing sa school ko (P.U). Hindi ko alam kung bakit sila lumipat dito eh. Kasi hindi kami close. Eh hindi nga nila ako masyadong kakilala eh except sa dalawa na si Cedric at Justine. Yung isa hindi ko pa kilala dahil silang dalawa lang ni Ced at Jus ang nakikita kong magkasama minsan. Kaya hindi siya pamilyar sakin.

Secret lang natin toh ah? Yung isa sa kanila, gusto ko! Hindi lang gusto, mahal ko na! Aweeeeh! Sssshhh! Siya si Justine, ang madalas kong kachat sa facebook.

Nainlove ako sa kanya kasi tahimik, seryoso sa pag aaral (Minsan lang!), palaging nageearphones at gwapo siya. Ano ba! Kinikilig ako eh!

Kinilig pa ako dun nung magkapares pa kami sa project na sayawit namin.

Nung isang araw nga, nagchat ako sa kanya at nagreply siya na magkikita daw kami pero sabi ko wag muna, di pa ako ready! Hindi na kailangan kasi nakita ko na siya! Wahahahaha!

Nung nagkita nga kami nung araw na nagbangayan pa sina Monica at ang isa nilang kasamang gwapo, parang gusto ko siyang kausapin pero dinaan ko nalang sa bulong hehehe!!

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now