Monica's POV
[Kamusta ka diyan Bes? Wag mong kalimutan ang mga pasalubong namin ah haha]
"Okay lang naman. Ang totoo niyan, nakalimutan kong bumili ng mga pasalubong niyo."
[Bes naman eh!! Yung foods ko!!]
[Yung shoes and clothes ko!]
Ang kulit talaga ng dalawang toh. Kausap ko lang naman sa telepono sina Chloe at Mika.
Tutal, magkasama ang dalawa pagdating sakin, sa pagtawag ko.
Ilang araw na kami dito sa Tagaytay. Halos ikalimang araw na namin dito. Ibig sabihin, bukas aalis na kami dito at uuwi na kami samin.
Haist panigurado mamimiss ko dito sa Tagaytay.
Namimiss ko na din sina Chloe at Mika. Ang WSA, schoolmates at classmates ko pati na ang mga teachers ko haha.
"Joke lang. Ang totoo niyan, wala yang mga hinihingi niyong pasalubong dito sa Tagaytay." Sabi ko sakanila.
Narinig kong parang tumigil sila sa pagsasalita.
"Hoy! Nandyan pa kayo?" Tanong ko.
[Eh foods meron? Malamang, take outan mo kami, please?] Sabi ni Chloe.
"Pagdating talaga sa pagkain Chloe eh mabilis ka agad. Sige, meron na akong naimpake dito haha." Sabi ko sakanila.
[Yehey! Thanks Bes.]
[Pagkain nalang yung sakin.] Sabi ni Mika.
"Sige. Nakapaghanda na nga ako." Sabi ko sakanila.
[Thanks. The best ka talaga.]
"Bukas ka na ba uuwi?" Tanong nila.
"Oo."
[Ang bilis naman yata?]
"Namimiss niyo ko tapos nagtatanong kayo kung bakit ang bilis? Namimiss niyo ba talaga ako o ayaw niyo lang ako pauwiin?" Sabi ko sakanila.
Ang weird nila.
[Sorry Bes ah pero namimiss ka na namin eh. Oo nga pala nuh? Tapos na ang 1 week mo diyan so babalik ka na dito.]
"Oo nga eh. Mamimiss ko dito lalo na ang mga pagkain nila dito, yung malinis na pool, white sand, sariwang hangin, magandang view at makikita mo pa ang bundok." Pag iinggit ko sakanila.
[Sige mang inggit ka pa Bes. Sige ka, ibababa na namin to ni Insan.] Sabi ni Chloe.
"Nagbibiro lang pero seryoso ako, ang ganda dito Chloe, Mika. Namimiss ko na kayo eh." Sabi ko sakanila.
[Ganun din kami Bes. Miss ka na din namin. May iba ka pa yatang mamimiss?]
"Huh? Sino?" Tanong ko sakanila.
[Sino pa ba? Edi si Keith.]
Hindi ko siya mamimiss kasi kasama ko siya ngayon dito. Totoo niyan, hindi lang si Keith yung nandito, si Greg na din. Pero namimiss ko si Keith, yung pang aasar niya sakin at ang pagkaweird niya minsan.
Nung nagulat ako na pumunta siya dito parang sumaya ako dahil kasama ko siya. Sobra ko siyang namiss.
"Ang totoo niyan...."
Sasabihin ko ba sakanila?
"Kasama ko si Keith dito sa Tagaytay. Pati na din si Greg." Sabi ko sakanila.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Ficção AdolescenteAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...