Monica's POV
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng classroom ay akalain mo naman, maaga pang pumasok si Mokong, naunahan pa ako. Madalas kasing hindi siya pumapasok sa klase lalo na ang mga barkada niya.
Nakita ko naman siya na nagheheadphones. Ayan na naman siya. Ang ingay ingay ng classroom namin, tapos siya magheheadphones? Baka trip niya lang yun.
Umupo nalang ako sa upuan ko at kinuha ang book ko at nagbasa nalang. Wala lang, trip ko lang magbasa baka kasi may surprise test na naman si Maam eh at baka zero naman ang makuha ko.
Habang nagbabasa ako ay biglang napadaan si Mokong sa harapan ko at lumabas ng room. Magtatime na ah bat pa siya lalabas? Paki mo ba Monica?
Last na lang toh, saan kaya pupunta yun? Tss :>
Tinuloy ko nalang ang pagbabasa at dumating na din ang iba ko pang kaklase at ang teacher ko. Nagsiupo naman ang mga kaklase ko.
Kanina pa nagdidiscuss si Maam pero hindi pa din bumabalik si Mokong? Anyare dun? Sabi ko ngang wag siyang papansinin eh, papansinin at papansinin ko din pala!
"Ok class. Get a 1 whole piece of paper and I will give a surprise test today." Sabi ko na nga ba eh, magsusurprise test na naman ang gurong toh! Hindi ba siya mapapagod magbigay ng test? Pwes kami, napapagod na! Bwesit!
Napa haist nalang ang iba kong kaklase dahil hindi nila alam na may test, surprise nga diba? Tanga lang?! Hindi kasi sila nagreview, buti pa ako, nagreview eh kaya lang mabilis lang!
"Meron ka pa ba Nics?" Biglang tanong ng katabi kong si Faye. Nivs ang tawag niya sakin kasi wala lang yan daw ang gusto niyang itawag sakin eh.
Alam ko na mahirap lang siya, pero masipag siyang mag aral. Ginagawa niya ito para sa pamilya niya. Si Faye ay matalino, siya ang pangalawang honor student namin. Mabait din siya kahit minsan tinutukso siya sa labas na mahirap lang daw siya at hindi siya nababagay dito.
Nakaramdam naman ako ng awa kay Faye at binigyan ko naman siya ng papel.
"Ok class. Read the instructions and you may start answering now." Sabi ni Maam at nagsimula naman kaming kumuha ng test.
AFTER TAKING EXAM ( 4 MINS. )
Kahit hindi ko alam ang sagot ay pinagpatuloy ko lang ang pagsasagot hanggang sa nauna akong natapos.
Nagulat naman ang lahat ng kaklase ko at lalo na ang guro ko dahil nauna akong nakatapos. Wahahaha gulat kayo noh? Alam niyo na yun kung bakit ako ang naunang natapos! Ang sisiw lang kaya ng test! (kahit di naman, ang hirap kaya! Pinapatawa ko lang kayo!)
"Ang bilis mo naman sumagot Miss Azarcon. Sigurado ka bang nireview mo ito at hindi mo ito minalian ang sagot?" Tsss ang dami pang tanong! Malamang hindi ko alam ang exam kasi surprise test nga eh, hindi kami nakapagreview!
Nakita kong namroroblema pa din ang mga kaklase ko sa pagkukuha ng exam. Siguro nagreview tong mga toh eh?!
Nauna na akong lumabas ng room. Hindi ko na hinintay sina Chloe at Mika kasi kumukuha pa sila ng surprise test! Bahala na sa score ko! Kahit ano pang baba ng scores ko, mataas pa rin naman ang grado ko. Iba kasi dito ang mga guro eh! Tinataasan nila ang grades ng mga students.
Naglakad lakad muna ako dahil kaunti palang ang mga tao at hindi pa time.
Naiihi ako. Makapunta nga muna ng banyo.
Pagkatapos kong mag CR ay nagsalamin muna ako at nag ayos. Lumabas naman kaagad ako.
"AYY BUTIKI!" Ano ba tong mga sinasabi ko?? Noon, kabayo, tapos butiki naman? Ano naman ang sunod? Palaka? Aso? Pusa?
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...