Monica's POV
Hindi pa rin sila tumitigil sa pagsusuntukan. Kaunti lang ang tao dito. Yung iba nagsilabasan pa sa fast food chain para manuod ng eksena.
"TAMA NA PLS?" Sigaw ko at hindi pa rin sila tumitigil.
Mas gusto pa talaga nila akong ipagsigawin pa.
Ayaw niyong tumigil huh!
"ISANG SIGAW KO PA NA TAMA NA! AALIS NA AKO DITO." Syempre, joke lang yung aalis ako. Sinigaw ko lang yun para tumigil sila.
Salamat naman at nagsitigil na rin sila.
"Hindi ka aalis!" - Greg
"Hindi ka aalis!" - Keith
O_______O
Sabay pa dapat sila? Ang gulo na talaga.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.Bakit nandito si Keith?
"Ayaw niyo din pala akong umalis eh sana hindi na lang ako sumigaw." Sabi ko.
"Sorry." -Greg
"Sorry." -Keith
Pangalawa na toh ah! Ano ba sila, kambal? Para magsabay sabay sa lahat ng bagay? Magkaiba lang ang itsura nila noh.
"Ang weird niyo. Ano ba ang nangyayari huh? Keith? Bakit ka nandito?" Tanong ko at nabaling naman ang tingin ko kay Keith na may pasa na sa mukha.
Bahala siya diyan, hindi ko na gagamutin yang sugat niya, kasalanan niya yan dapat panindigan niya.
"Sorry Monica pero nalaman ko kasi sa nga schoolmates natin na kasama mo tong ulol na toh kaya agad agad akong pumunta dito." Sabi niya.
"Hoy pangit! Hindi ako ulol!" Sigaw ni Greg.
"So, sa ganyang bagay, nanuntok ka na kaagad?" Inis na sabi ko kay Keith.
"Sorry Monica pero hindi ko mapigilan eh, baka ano pang magawa sayo ng lalaking yan." Sabi niya.
"Eh kaano ano mo ba si Monica? Kaibigan mo lang naman siya diba?" Tanong ni Greg kay Keith.
"Hoy! Ikaw dapat ang tanungin ko ng ganyan,ulol! Kaibigan ka lang naman ni Monica huh? kaya wag kang umasta na parang boyfriend ka niya." Sabi ni Keith.
Argh! Hindi ko maiintindihan.
Una, umamin sakin si Greg na gusto niya ako, pangalawa, siya pa ang batang lalaki na tumulong sakin sa park at pangatlo, dumating pa si Keith.
"Hindi ako umaasta dahil ayoko lang na may mangyari sa kanyang masama at gusto ko siyang protektahan." Sabi ni Greg.
"Auh kaya pala, nakita ko kayo na nagyayakapan? Parang iba na yung nakita ko eh." Sabi ni Keith.
"Iba talaga yung nakita mo Keith. Nagyayakapan kami bilang magkaibigan. Wag mo ngang binibig deal yun! Kung ano ano lang ang pumapasok sa utak mo eh" Sabi ko sakanya.
"Kaibigan ba talaga tingin mo kay Monica? Monica, eh sabihin mo kaya sa lalaking yan kung ano talaga tayo, tignan natin kung ano ang magiging reaksyon niya." Sabi ni Keith at nabaling ang tingin niya sakin.
Sasabihin ko ba kay Greg yung totoo? Na boyfriend ko si Keith?
Baka magalit pa yun o iiwasan ako dahil alam ko sa sarili ko na matagal siyang umasa at matagal niyang itinago ang nararamdaman niya sakin.
"Anong ibig niyang sabihin, Monica?" Tanong ni Greg.
"Ang totoo niyan Greg...." Hindi ko na alam kung bakit ako umiiyak dito. Bigla nalang kasi pumatak yung luha sa mata ko.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...