Monica's POV
"Oh, ano? Natawagan mo na ba si Keith? Hindi din siya sumasagot." Tanong sakin ni Chloe.
"Hindi eh. Cannot be reach siya eh." Sabi ko.
"Cannot be reach din sakin." Sabi naman ni Cedric.
Saan ka na ba Keith? Kanina pa kasi namin tinatawagan si Keith, hindi siya sumasagot.
Boyfriend ko, saan ka na ba?
Siya nalang kasi ang hinihintay namin para sa triple date namin.
Kakatapos lang ng practice namin sa cheerdance.
Akala ko ba mabilis lang siya? Eh bakit wala pa siya?
Sana walang nangyaring masama sa kanya.
"Ano na bang nangyari dun? Excited pa naman ako sa triple date natin." Inis na sabi ni Cedric.
"Keith, sumagot ka! Please!" Sabi ko sa kabilang linya.
Nag aalala na ako sakanya. Kung saan man siya ngayon, sana ligtas siya.
"Justine, sayo ba? Tumawag ba si Keith?" Tanong ni Mika kay Justine.
"Uy! Siya unang pumansin sakin. Sabihin mo nalang kasi sakin Mika na may gusto ka sakin. Wag yung------ aray! Ano ba? Joke nga lang."
Hinampas naman ni Mika si Justine.
Ngayon pa sila nagbabangayan eh nag aalala na nga ako kung saan ang boyfriend ko.
"Sagutin mo ang tanong ko! Tumawag ba si Keith sayo? Tatahimik ka diyan eh." Inis na sabi ni Mika.
"Hindi nga eh. Sige, tawagan ko ulit siya." Sabi ni Justine.
"Saan na ba ang mokong yun?" Sabi ni Justine.
*riiiing! riiiing!*
Si Keith tumatawag.
"Eto na. Si Keith tumatawag." Sabi ko sakanila.
Sinagot ko naman agad yun.
"Hello boyfriend ko? Saan ka na ba? Nag aalala na kami sayo-----------"
[I'm okay Monica. Wag na kayong mag aalala. Kayo nalang muna ang lumabas. Gusto ko lang mapag isa.]
What? Masama ba pakiramdam niya?
"Oh sige. Saan ka ngayon? Pupuntahan kita diyan. Baka may mangyari pa sayong masama eh." Sabi ko.
[Dito sa park malapit sa bahay niyo. Thanks for your concern but no need. Ayos na ako. Uuwi naman ako agad eh. Bye girlfriend ko.]
"Teka------" *tooot! tooot!*
Hindi pa ako nakapaalam sakanya ay ibinaba na niya agad.
Binabaan ako? Hindi naman siya ganun dati eh.
Sa park mag isa? Anong ginagawa niya dun? Nagmumuni muni?
Salamat naman dahil walang nangyaring masama sakanya.
Gusto talaga kitang puntahan diyan Keith. Kaya hintayin mo ko diyan. Alam kong nandiyan ka pa.
"Anong sabi niya?"
"Okay naman daw siya. Gusto niya lang daw mapag isa. Nasa park siya ngayon malapit samin at kailangan ko siyang puntahan dun baka may mangyaring masama sakanya." Sabi ko sakanila.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...