💠Chapter 46: His Plan💠

1K 29 0
                                    


Monica's POV


Nagising nalang ako sa sikat ng araw.


Wait? Nandito pa pala kami sa lugar na hindi namin alam kung saan.


So ibig sabihin, natulog kami dito ni Keith nang kaming dalawa lang?


OMG!


Nakita ko naman ang sarili ko na mukhang maayos naman. Hay salamat.


Ano bang iniisip mo diyan?


Napansin kong wala si Keith sa tabi ko.


Saan yun? Wag niyang sabihin na iniwan niya ako dito? Hindi ko talaga mapapatawad yung lokong yun kapag iniwan niya ako dito sa mapangheng lugar na toh.


Naalala ko yung nangyari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya, panaginip ba yun? o totoo?


Pero kinikilig pa rin ako kapag iniisip ko yun. Parang gusto mo na siyang sagutin eh.


Waaaaaah! Manliligaw siya sakin! Manliligaw siya sakin!


Paano kung malaman ito ng mga friends ko? Mga schoolmates ko? Baka mas lalong dadagdagan ang issue about sakin.


Speaking of the issue, hindi pa rin pala tapos ang issue. Kailan kaya titigil toh?


"Oh gising ka na pala!" Nagulat nalang ako ng makita ko si Keith na parang pawis. Saan galing toh?


"Anong nangyari sayo?" Tanong ko.


Kaaga aga eh pawis na siya agad!


"Auh wala toh. Naghanap kasi ako ng mekaniko para ayusin ang kotse para makauwi na tayo. Ayun, nakahanap naman kaagad ako. Meron palang bahay dun sa may kanto. Ang layo nga lang. Good news, makakauwi na tayo." Napangiti nalang ako ng wala sa oras sa sinabi niya.


Naghanap talaga siya ng paraan para makauwi kami ng ligtas. Salamat sa kanya.


"Talaga?"


"Oo kaya mag ayos ka na." Sabi niya. Nag ayos naman kaagad ako.


Naglalakad na lang kami papunta sa kung saan nakapark ang kotse niya.


Nahanap naman kaagad namin ang kotse niya at sumakay na ako.


Sasakay na sana ako nang pigilan niya ako.


"Wait." Sabi niya.


"Bakit?" Tanong ko.


"Sumakay ka na Binibini." Sabi niya at pinagbuksan niya ako ng pinto.


Wow? Himala naman, naging gentleman naman toh porket pinayagan ko lang siyang manligaw eh.


Hindi lang ako sanay.


Sumakay naman kaagad ako at sumakay na rin siya sa driver's seat. Nagmaneho naman kaagad siya.

"Manliligaw mo na nga ako, gentleman mo pa ako mula ngayon." Sabi niya.

Himala, naging mabait na siya. Hindi na siya nagsusungit, di tulad ng dati.

"Ikaw talaga. Loko ka." Sabi ko at natawa.

"Loko talaga. Gwapo naman." Yabang niyang sabi.

"Ang yabang ah! Porket pinayagan lang kitang manligaw, kung anu ano na ang sinasabi mo diyan."

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now