💠Chapter 20: Presentation💠

1.3K 37 1
                                    

Monica's POV

Haisst! Ang bilis ng panahon! Ito na ang araw ng presentation namin ni Mokong. Hindi lang kami kundi lahat ng mga kaklase ko.

Dahil kami ang unang nakatapos sa pagpapractice ay kami din ang nag aasikaso ni Mokong ng preparation para mamaya.

Yung iba kasi hindi pa tapos sa pagpapractice kaya binilis bilisan nilang magpractice dahil mamaya na ang presentation. Hay mga tamad na mga kaklase ko. Sundin niyo kaya kami ay este ako lang pala, tsss! Unang nakatapos at isang araw lang namin tinapos.

Were here sa music room. Dito kami magpeperform mamaya. Ewan ko nga ba kung bakit dito eh pwede naman sa room namin.

Bale kaming dalawa ni Mokong ay nag aayos ng decorations para bongga. Hihihi. Yung iba tumutulong din sa amin at yung iba hindi pa rin tapos sa pagpapractice nila.

Nakikita ko sina Mika at ang crush niyang si Justine na parang seryoso lang sa pagpapractice. Si Justine halatang kanina pang tumitingin kay Mika ng palihim habang nagpaplano si Mika siguro pero si Mika kanina pa dada ng dada at hindi niya alam na tinitignan pala siya ng partner niya.

Hmmm? Ano itey? Magkakadevelopan na ba ang mga toh? Sweet nila kahit hindi naman sila.

"Pwede ba? Tama na yang titig mo sakin? Alam ko namang maganda ako kaya wag mo na akong tignan, nakakailang eh!" Ambisyosang sabi ni Mika.

Hoy bes! Ako lang ang may ganang magsabi ng maganda kasi ako lang ang maganda sating tatlo! Pangalawa ka lang! Hihihi!

"*yes! sobrang ganda nga eh!* Sorry! Eh tapusin na nga natin toh!"

Alam kong may binulong pa si Justine pero hindi ko masyadong narinig kasi ang ingay kasi ng mga kaklase ko eh.

Sina Chloe at Cedric naman ay parang hindi masyadong nagpapansinan pero medyo lang. Si Chloe lang naman ay nagpapakipot pa kay Cedric eh crush niya naman yun. Si Cedric naman ay walang tigil pa rin ang pangungulit kay Chloe at si Chloe naman inis na inis sa kanya.

"Eh kung tumulong ka kaya dito kaysa sa kinukulit at inaasar mo ko diyan ano? Tayo na lang kaya ang hindi pa tapos sa pagpapractice kaya makipagtulungan ka!" Inis na sabi ni Chloe.

Narinig ko talaga ang paghampas ni Chloe kay Cedric ng isang folded paper.

"Tssss sakit nun ah. Sige na nga! Ano na yung ....... "

"Hoy! Hindi masakit toh! Papel lang toh, papel! Tsss tsss ka pa diyan! Eto nalang gawin natin blah.... blah.....blah....." Hindi ko na sila narinig pa kasi binulong na nila ang sinabi nila.

Hinayaan ko nalang sila at tinuloy ko nalang ang pag aayos ng decorations. Matapos kong ayusin ang decors ay pumunta naman ako sa music. Haist! Mahirap din pala kung kayo ang unang nakatapos nuh? Kayo kaagad ang inutusan.

"Kuya? Okay na ba yung music? Baka kasi magkakaproblema mamaya eh." Tanong ko kay Kuya na nagaayos ng music.

"Okay na po Maam. Okay na okay." Sabi niya.

"Sige." Sabi ko at umalis dun. Parang ako lang ang manager nito ah? Utos doon, utos dito!

Kailangan kasi ng designs and decoration para maganda tignan at parang pang sosyalan ang performance o presentation namin.

Bumalik ako dun sa ginalingan ko, dun sa pag aayos ng decorations. Gusto kong lagyan pa ng mas magandang background and designs.

"Ano ba yan! Ang sagwa tignan eh! Ayusin mo kasi!" Inis na sagot ko nang makita kong masagwa ang design na inilagay ni Mokong. Tsss pati ba naman sa designs hindi marunong?

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now