💠Chapter 11: Project💠

1.7K 46 0
                                    

Monica's POV

Nagdidiscuss ngayon si Maam Gonzales. Ang strikta naming teacher sa MAPEH. Nakakaboring din kasi ang MAPEH eh, puro new lesson, copy and quiz, etc.

"Before I dismiss you class, I would like to give your project for this second quarter." Haist kakatapos pa nga lang ng first quarter, may project na agad sa second quarter? Kainis.

"Ang gagawin niyo ay you will perform sing and dance. Pumili din kayo ng music na pwede niyong isayaw o ikanta. Basta bahala na kayo kung ano ang gagawin niyo. Your performance will be next week." What? Kanta't sayaw? Grabe eh hindi nga ako marunong kumanta eh, sayaw pa kaya? Bahala na! Bahala na din kung sino ang partner ko.

Napawohooo naman ang mga kaklase ko. Ibig sabihin kasi walang pasok sa MAPEH at buong klase ay magpapractice lang. Yehey!

Sana si Chloe lang ang makakapartner ko hihi. Pwede din si Hillary kasi siya ang Top 1 sa klase ahihi. Sino pa kaya ang pwede? Hmm? Bahala na nga! Basta ayokong makapartner ang mga gangsters lalo na sa isa sa kanila.

"Ito na ang mga partners. Maggie Aguilar and Fritz Santos. Napahiyaw naman ang mga kaklase ko sa unang grupo na tinawag ni Maam. Crush kasi ni Fritz si Maggie. Sakto ah? Magkapares pa sila.

"Lovely Suelo and Timothy Lopez. Mika Dela Vega and Justine Zamora. Chloe Dela Vega and Cedric Esguerra." Kinilig naman kaagad si Mika nang marinig ang pangalan niya galing kay Maam kasi naman partner niya ang crush niyang si Justine na isa sa mga gangsters. Kaya mo yan, Miks! Si Chloe naman ay parang nagulat dahil makakapartner niya ang guess man niyang crush na si Cedric ba yun? Mukhang mabait naman si Cedric, bagay sila!

Ako kaya? Sino kaya ang makakapartner ko? Wag niyo lang sabihin na isa sa mga gangsters na yan ang partner ko?!

Madami pang sinasabing groups si Maam. Ano ba naman yan! Bat ang tagal kong tawagin? Pakibilisan naman po! Joke!

"Sana makakapartner ko si Keith! Siya nalang ang hindi natawag ni Maam eh pati na ako"

" Sino kaya ang makakapartner ni Baby Keith ko? Sana ako!"

"Waaah Keith Morales and Valerie Montemayor sana ang tatawagin ni Maam."

"Loka! May partner ka na kaya duh!?"

"Che! Ikaw rin naman ah!"

Madami pa ding sinasabi si Maam hanggang sa ----------


"And last but not the least--------- Monica Pauleen Azarcon and Keith Arthur Morales." ANO? Pakiulit nga po Maam? Hindi ko narinig eh!

Talagang complete name pa talaga ang pagkatawag sakin ni Maam huh? Malamang ikaw lang naman ang pinakaclose na student ni Maam Gonzales kahit di naman. -_-




AT BAKIT SIYA PA? BAKIT SI KEITH PA NA SIYANG PALAGING NAMBEBWESIT SAKIN!

"Maam? Pwede po bang magpalit ng partner?" Biglang taas ng kamay ko at tumayo.

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now