💠Chapter 89: Save Her💠

685 8 4
                                    

Monica's POV

"Hi Monica. Kamusta?" Sabi niya habang ngumingisi sa harap ko.

"Hayup ka Diana!! Pakawalan mo ko dito!!" Sigaw ko sakanya.

"Eh kung ayoko? Anong silbi ng pagkidnap namin sayo kung papakawalan ka din namin? Tss" Sabi niya.

"Ang sama mo! Ano bang kailangan mo, huh? Bakit mo pa dinaan sa ganito, Diana?" Inis na tanong ko sakanya.

"Anong kailangan ko? Kailangan lang naman kitang patayin para mawala ka na sa landas ko at ni Keith." Sabi niya.

"Hiwalay naman kami ni Keith eh, wala na kami, ano pa bang kailangan mo?"

"Alam ko. Ako naman ang nagsabi sakanya na hihiwalayan ka niya. Haha ang galing ko diba?" Pagmamayabang niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Inilapit naman niya ang mukha niya sakin at dinuro duro ako sa noo.

"Kasi Ikakasal na kami ni Keith bukas." Deretsong sabi niya.

Ano? So tuloy ang kasal nila? Sinabi na sakin ni Keith yung arranged marriage nila pero hindi ko alam na pumayag si Keith na magpakasal sila.

Sabi niya sakin hindi siya sisipot sa kasal.

Kaya pala hiniwalayan niya ako dahil magpapakasal na sila ni Diana? At bukas na?

Bakit hindi niya sinabi sakin?

"Pinapili ko si Keith kung magpapakasal siya sakin at hihiwalayan ka niya o hindi siya sisipot sa kasal at may mangyayaring masama sayo. Kaya ang pinili niya ay ang magpakasal sakin at hihiwalayan ka niya. I'm so happy nang hiniwalayan ka niya."

"Totoo ba yang sinasabi mo huh?" Tanong ko sakanya.

"Sa tingin mo ba, nagbibiro ako? Ofcourse Monica."

Kaya pala hiniwalayan ako ni Keith dahil ayaw niya lang akong mapahamak. Sisipot siya sa kasal dahil gusto niya akong protektahan sa mga pinaplano ni Diana.

Bakit gusto niya pa ako patayin?

"Bakit gusto mo pa akong patayin? Magpapakasal din naman kayo ni Keith ah." Inis na sabi ko sakanya.

"Oo nga. Alam ko kasi na ikaw pa rin ang mahal niya. Alam ko na ayaw niya akong pakasalan dahil sayo. Iniisip ka pa rin niya. Ikaw pa rin ang nasa isip niya. Nararamdaman ko kasi hindi niya ako mahal at ayaw niya kaming magpakasal. Ikaw parin ang mahal niya Monica. Na sayo na ang lahat! Palagi nalang ikaw!!" Sabi niya at umiyak.

Galit ba siya dahil ako pa rin ang mahal ni Keith? Galit ba siya dahil hindi na siya minahal ni Keith at ayaw ni Keith na magpakasal sakanya kaya ako pa rin ang mahal ni Keith?

"Kaya gusto kitang patayin dahil gusto ko ako nalang ang iniisip ni Keith. Kung papatayin kita, nasa akin na ang atensyon ni Keith at ako na ang mahal niya. Para wala nang sagabal sa mga plano ko! Wala ng sagabal sa buhay namin ni Keith. At wala na akong karibal sakanya." Inis niyang sabi at inilabas ang baril niya at itinuro sakin.

Habang makakakita ako ng baril, parang kinakabahan ako at parang sumasakit ang puso ko. Iniisip ko na mamamatay na ako ngayon.

Hindi ko na makikita ang pamilya ko. Hindi ko na din makikita ang mga mahal ko sa buhay lalo na si Keith.

"Diana! Please! Itigil mo na toh! Please Diana! Ayoko pang mamatay." Pagmamakaawa ko sakanya.

"Oh? Nagmamakaawa ka sakin? Poor Monica! Sorry ah? Hindi ko titigilan toh hangga't hindi kita napapatay." Sabi niya.

Napayuko nalang ako.

Babarilin na niya sana ako kaya lang pinigilan siya ni Hannah.

"DIANA! WAG MO MUNA SIYANG PATAYIN!" Sigaw ni Hannah.

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now