💠Chapter 55: Follow Her💠

832 18 0
                                    



Monica's POV


Kalalabas ko lang ng banyo dahil nag half bath ako.


*riiiing! riiing!*


Kinuha ko naman ang phone ko sa kama.


Sino naman tong tumawag? Sinagot ko naman iyon.


"Hello?"


[Hi my girlfriend, my slave friend.]


Keith?


Bat tumawag tong lalaking toh?


Namimiss niya siguro ako? Joke. Assuming lang?


Eh kung namimiss nga niya ako, namimiss ko din siya.


Eh boyfriend ko tong kissable gangster na toh eh.


"Oh hello my boyfriend, kamusta bat ka naman napatawag?"


Isasave ko mamaya sa contacts ko ang number ni Keith para hindi ko na makalimutan yung number niya na palaging naka Unknown.


[Eh namimiss kita eh. Nalulungkot ako kapag hindi kita nakikita. Eh hindi na nga ako pumapasok dahil alam ko na mamimiss lang kita. Namimiss mo din ba ako?]


"Hindi...."


[Ano?]


Hindi pa nga tapos eh.


"Hindi. Dahil miss na miss na miss na miss na miss kita boyfriend ko. Okay ba?"


[Nakakakilig naman yun Girlfriend ko. Mula ngayon, girlfriend ko at boyfriend ko na ang itatawag natin sa isa't isa. Nakakasagwa naman yung slave friend eh hindi naman na kita slave at hindi kita friend.]


"Lalo na yung Siraulong Mokong. Kahit siraulo ka pa rin, itatawag at itatawag pa rin kita dun."


[Eh ayoko nun eh, mas maganda pa yung boyfriend ko na tinawag mo sakin.]


"Awsus. Sige. Boyfriend ko at girlfriend ko ang tawagan natin. Okay na ba yun?"


Kinilig naman ako sa sinabi ko.


[Kinilig naman ako dun pero kung ano ang gusto mo, papakinggan ko.] Sabi niya.


"Sige. Bye na. Andyan na si Mom." Sabi ko sakanya.


[Miss na kita. Gusto kitang puntahan diyan.] Sabi niya.


Ang kulit naman nito.


"Ang kulit mo. 1 week lang naman tagal ko dito eh. Babalik naman ako."


[Eh baka sa sobrang pagkamiss ko sayo baka maghahanap na ako ng iba. Sige ka!] Sabi niya.


Anong sinasabi nito?


"Subukan mo lang maghanap ng iba. Ipapakagat kita sa aso namin." Asar ko.


Kung ano ano ang sinasabi kasi eh first day pa lang namin bilang magjowa, maghahanap na agad siya.


[Buti pa siguro, ikaw nalang kumagat sakin hindi na yung aso eh.]


"Siraulo ka talaga. Bye na. Andyan na nga si Mom baka makita pa niya tayong nag uusap dito."


[Wait sandali lang, masaya ka ba diyan sa Tagaytay? Sino kasama mo diyan?]


The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now