Monica's POV
Sinalubong naman kaagad ako ni Yaya Paula pagkauwi ko ng bahay.
"Good evening Monica. Kumain ka na ba?Musta ang school mo?" Grabe naman tong si Yaya Paula, ang daming tanong. Para siyang si Mommy at Daddy eh. Siya lang kasi palagi ang nagkakamusta sakin, ang parents ko ni kahit hello at kamusta, wala.
"Hay naku Ya. Ang dami niyo pong tanong. Hindi pa po ako kumakain at okay lang din naman ang school ko, malaki pa rin hehe! " Pilosopo kong sagot kay Yaya Paula. Sabi niya kasi kamusta ang school eh so ganun pa rin!
Tumawa nalang si Yaya. "Hay nakung bata ka! Wala ka nang pinagbago. Oh siya sige, maghahanda lang ako ng hapunan ha?" Sabi ni Yaya Paula at pumunta na ng kusina. May edad na rin kasi si Yaya Paula at matagal na rin siyang naninilbihan dito sa bahay.
"Saan po si Daddy? Umuwi na po ba siya? Si Mommy po nasan?"
"Sabi daw ng mommy niyo, may importante lang po silang pinuntahan ng Daddy niyo kaya wala kayong dapat ipag alala. At baka gabi sila makauwi" Sabi ni Yaya.
Buti pa siguro, wag na lang sila umuwi dito tutal sa opisina naman ang tirahan nila, hindi sa bahay.
"Akyat lang po ako sa taas. Napagod po kasi ako eh." Sabi ko nalang at umakyat na dala ang mga gamit ko.
"Sige. Bumaba ka nalang kapag gusto mo nang kumain." Tumango nalang ako. Pero sa totoo lang, mabait talaga si Yaya. Kahit naiirita din ako sakanya minsan kapag umaga, minsan siya ang gumigising sakin, hindi pa rin siya nagagalit sakin. Hindi nga nagsisi si Mommy at Daddy nang siya ay pinasok dito bilang katulong.
Umakyat nalang ako sa taas at pagkadating na pagkadating ko sa room ko ay inilagay ko na lang ang mga gamit ko sa kama at agad naman akong humiga dun. Nakatulog nalang ako kaagad dahil sa matinding pagod.
Hanggang ngayon, ay hindi pa din ako makapaniwala na nakapasa ako sa cheerleading squad. Ang saya ko. Pero mas mas masaya pa kung alam ito nina Mommy at Daddy. :(
* kinabukasan *
Maaga na akong nagising at maaga din akong pumunta ng school kasi wala lang, trip ko lang magpaaga ngayon baka kasi mapagalitan na naman ako ng teacher kong mukhang ****** ay de joke lang! ang strikta kong teacher lang naman.
Naglalakad ako nang may ngiti sa labi dala dala ang books at bag ko nang makita ko ang mga students na may kanya kanyang ginagawa sa field. May naglalambingang magkasintahan, may nagpapractice ng sayaw, may nagsosoundtrip at hamak mo may natutulog pa sa taas ng puno? Sa taas ba naman ng puno matutulog? Hay ang buhay estudyante nga naman.
Teka? Speaking of sayaw, next week na pala kami magstastart magpractice ni Chloe sa cheerleading squad. Uh oh sana hindi katulad ni Miss Gonzales ang leader namin sa sobrang kastrict. I'm so excited! I just can't hide it ~~ Napakanta nalang tuloy ako.
*boooogssh*
"Ay sorry Miss." Sabi ng lalaki at nagmamadaling umalis matapos niya akong banggain. Grabe siya!
Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad.
"Oh aga mo ah? Himala yata." Nagulat nalang ako nang may nagsalita sa likod ko. Si Bes Chloe lang pala."Bakit ka ba nagsusulpot sulpot huh? Akala ko pa naman stalker ko ang nagsalita sa likod ko, ikaw lang pala." Natawa nalang ako sa sinabi ko. Stalker? Saan ko nakuha yun?
"Wee. Stalker ka dyan! May stalker ka noh? Ayiee si Bes my stalker. Sino yan? Sino yan sabihin mooooo!" Nagsabi lang ako ng STALKER, may stalker na agad? Baliw talaga tong isang toh.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...