Monica's POV
Saan ba talaga ako dadalhin nitong lalaking toh? Okay ba siya?
Hinihila nalang ako bigla eh. Mahilig talagang manghila toh.
"Ano ba?" Sabi ko habang pinipigilan siyang hilahin ako papunta sa sasakyan niya.
"Sakay." Ano siya sineswerte?
"Ano ka sineswerte? Ayoko nga." Inis na sabi ko sakanya.
"Sakay." Ulit niyang sabi.
"Ayoko nga eh---------"
"ISA." Inis niyang sigaw.
SIGE NA NGA. Nagpupumilit eh. No choice na rin ako na pumayag baka maging wild pa toh eh.
"Oo na." Sabi ko sabay sakay sa back seat ng kotse niya.
Sasakay sana ako ng bigla niyang isira ang pinto.
"Oh bakit mo sinara?" Tanong ko.
"Wag ka diyan umupo. Dun ka sa harap." Tsss! Wala na rin akong nagawa kundi sumunod sakanya. Hindi ko na siya boss kundi enemy ko na siya mula ngayon.
"Bwesit." Nasabi ko nalang at sumakay naman ako sa passengers seat na sinasabi niya.
"Sasakay din pala, marami pang satsat." Rinig kong sabi niya at sinara na ang pinto.
May pabulong bulong ka pa, narinig ko naman.
Sumakay nalang siya sa driver's seat at nagsimula nang magmaneho.
"WAAAAAAAHH!!! PWEDE BA!!! HINAAN MO LANG ANG PAGMAMANEHO!! BWESIT KA!!" Sigaw ko kay Mokong habang nawala na sa sarili nang bigla niyang ipinabilis ang pagmamaneho niya.
Ano bang problema nito? Parang hindi na ko makakauwi ng maayos eh! Para na akong si Sadako sa buhok ko.
"ANO BANG PROBLEMA MO AH!! SAAN BA TALAGA TAYO PUPUNTA? MABABANGGA TAYO!! HINDI ITO YUNG DAAN PAUWI NG BAHAY KO!" Sigaw ko.
Napansin ko kasi na hindi na ito ang daan papunta sa bahay ko.
"Sino naman nagsabi sayo na pupunta tayo sa bahay mo?" Sabi niya.
So? Saan niya ako balak dalhin? Dudukutin niya ba ako? Kikidnapin niya ba ako? WAAAAAH!! Kayo na po bahala sakin, Lord!!
"Kikidnapin mo ko noh? Hayup ka!! Iuwi mo ko sa bahay." Sigaw ko sakanya.
Napansin kong hindi siya umiimik at seryoso lang siya sa pagmamaneho.
"WHAT? ARE YOU CRAZY? HINDI AKO KIDNAPPER NOH! ASA!" Sigaw niya.
At ako pa talaga ang crazy huh?
"ASA KA DIN!! IUWI MO KO. AKALA KO IHAHATID MO KO YUN PALA, AKALA KO LANG! SAAN BA TALAGA TAYO PUPUNTA?"
"Ihahatid? ASA ka. Eh hindi ko nga alam ang bahay mo eh. Relax ka nga, may pupuntahan lang tayo. Ang likot likot mo, alam mo yun? At ang INGAY pa." Diniinan naman niya ang INGAY.
So hindi niya talaga ako ihahatid? Waaaaaah baka may gawin siya saking masama, baka isprayan niya ako ng malansang amoy dito sa kotse niya.
Bwesiiiiiiiiit siya!!
Mabuti pang tumahimik nalang ako baka mas bibilisan niya pa ang pagmamaneho at baka madisgrasya pa kami.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Novela JuvenilAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...