[ Bigyan din natin ng POV ang ibang characters ]
Keith's POV
Hi this is my turn now. Ako nga pala si Keith Arthur Morales. Ako ang pinakagwapo sa aming tatlo at ako din ang pinakahot na leader ng The Gangsters sa Philippians University ay este Winstone School Academy na pala. Tinatawag nila akong "THE KISSABLE GANGSTER" Oh diba? Kahit sino sino nga lang na babae hinahalikan ko eh, at kinikilig naman kaagad sila.
Nagtransfer kami sa WSA dahil sabi ng Mommy ko dun daw kami mag aaral ay ako lang pala dapat. Gusto ko parin kasama ang mga barkada ko at yung dalawa pumayag naman. Hindi daw makukumpleto ang The Gangsters kung wala ako. Edi ayun, sumama nga sila, kung saan ako, nandun din sila.
Sila lang naman ang mga feeling gwapo at mokong na kaibigan ko na nakilala ko sa P.U. (Philippians University). Wala ibang gawin kundi mambababae at manlandi sa mga magaganda at sexy na mga girls.
Cedric Esguerra- ang pinakamakulit sa grupo. Mayaman, maloko at mayabang minsan. Palagi niyang sinasabi na gwapo daw siya eh hindi naman yun totoo (peace bro!). Mahilig din siyang magsuot ng cap kahit hindi naman mainit sa school. Pero kahit ganun siya, matalino din yan at siya din ang binansagang "THE HUGOTERONG GANGSTER" eh magaling siyang magadvice o maghugot eh.
Justine Greg Zamora- siya naman ang pinakatahimik sa grupo. Matalino din siya. Mayaman pero may pagkaseryoso ang mukha tulad ko. Eh kung seryoso ang mukha niya, seryoso din siya pagdating sa babae. Maraming girls ang niligawan, maraming girls din ang hinahalikan pero sampal kaagad ang abot niya. (Ano ba naman yan? Eh kung sundin mo kaya ako bro? Matinik sa babae!) Siya din ang binansagang "THE SERIOUSLOOK GANGSTER".
Kaya first POV ko ito, next time naman ang pagpapakilala ko. Ikekwento ko muna ang nangyari bago kami lumipat sa W.S.A.
••••••••••
( FLASHBACK )
Kadadating ko lang sa bahay galing sa school nang mabungad ko kaagad ang mukha ni Mommy na parang nanlalaki sa galit. Sigaw na naman ang maaabot ko dito eh.
"Saan ka galing? Bat ngayon ka lang?"Tanong niya. Malamang saan pa ba? Sa school malamang!
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Novela JuvenilAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...