💠Chapter 51: Now We're Together💠

900 30 1
                                    


Monica's POV

Dumating na ang last day bago kami pumunta ng Tagaytay.

Bukas na ang Tagaytay Vacation namin nina Mommy at Tito Chad kasama ang anak daw niya.

Diba ang bilis lang?

Pero sino kaya ang anak niya? Hmm sana gwapo yun. Paniguradong gwapo yun dahil gwapo din ang Daddy niya.

Pero ano ba talaga ang gagawin namin dun? Malamang, ano ba ang ginagawa sa Tagaytay, mamasyal? Maglakbay o magbabakasyon?

Parang pareho naman yun.

Nililigpit ko na ngayon dito sa kwarto ko ang mga gamit ko. Sabi ni Mommy matagal tagal daw kami dun baka hindi kami makakauwi ng 1 week. Haisst kainis! Naka excuse naman ako sa mga guro ko na 1 week lang eh pero si Mommy nalang daw ang bahalang magsabi sa kanila.

Haist nakakalungkot lang kasi mamimiss ko ang mga friends ko, sina Chloe at Mika. Mga classmates ko, schoolmates ko, si Greg at etc.

Speaking of Greg? Bakit hindi na nagpapakita yun? Saan na nagpuntang lupalop yun?

Kailangan ko palang sabihin sakanya na mag Tatagaytay kami baka mamiss pa ako nun, ay assuming lang, teh? Hindi ka mamimiss nun noh. Asa ka.

Sino pa ba ang mamimiss ko ng 1 week?

Sino paaaaaa?

Ang mga teachers? o yung mga naghuhusga sakin? Speaking of, tumitigil na ang issue sa buong school at wala na ring nanghuhusga sakin, so I'm so happy.

Wala naman siguro akong ibang mamimiss.

Teka?

Parang may nakalimutan ako.

Si Keith?

Talagang mamimiss ko yung Mokong yun kahit na hindi ko pa siya sinasagot at nanliligaw palang siya sakin.

Bibigyan ko pa siya ng ibang timing para sagutin ko siya.

Sana siya nalang yung lalaking anak ni Tito Chad para dun ko na maamin at masabi sakanya ang nararamdaman ko.

Pero hindi eh. Malalaman at malalaman mo rin kung sino yun kaya maghintay ka. Mamemeet mo rin siya bukas.

Bakit ba gusto mo siyang mameet? Hindi mo pa nga kilala ang tao eh.

Oops! Baka ano na ang nangyari dun sa lalaking yun. Bigla nalang kasing umiba ang ugali at biglang nagtampo. Ako ba ang dahilan? Anyare dun?

Kailangan ko din siyang makita mamaya sa school.

May pasok pa kasi ako ngayong umaga. Inihahanda ko lang ngayon ang mga gamit ko.

Done.

Natapos na rin ang pagliligpit at kailangan ko ng mag ayos dahil may pasok pa ko.

Naligo agad ako at nag ayos.

*krriiiing! kriiing!*

Pagkalabas ko ng banyo ay biglang tumunog ang phone ko sa kama.

"Sino toh?" Tanong ko sa sarili.

"Hello? Sino toh?" Unknown number kasi ang nakalagay.

[Si Keith toh. Nakihiram lang ako ng phone, wala kasi akong load.] Oh? Okay na ba toh? Bat naman napatawag to?

"Oh anyare sayo?"

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now