Monica's POV
Pagkadating na pagkadating ko sa bahay ni Mokong ay bumaba na ako sa kotse ko at nagdoorbell na sa bahay nila.
"Oh kayo po pala Maam Monica. Pasok po kayo." Pinagbuksan naman ako ng kasambahay nila at pinapasok ako. Pumasok naman ako kaagad sa bahay nila.
"Salamat po." Sabi ko sa kasambahay nila ng bigyan niya ako ng tubig. Umalis nalang ang kasambahay nila papunta sa kusina nila.
Nandito ako sa sala nila, umuupo. Saan ba si Mokong?
Ang ginaw ng bahay nila. Sana nagdala ako ng jacket eh sa sobrang lamig. Ang lakas ng aircon nila. Para kang nasa mall.
"Maam? Tumawag po si Sir Keith, dumeretso daw po kayo sa condo nila, nandun po siya." Ano? Pinaghintay niya lang ako dito? Tapos malalaman kong nasa condo niya pala siya?
Wait? May condo sila? Ang yaman pala. Kami nga hanggang company lang eh.
"Saan po ang condo nila?"
"Malapit lang daw po sa school niya dati, sa PU. Yan po sabi niya."
"Ano pong name ng condo nila?" Tanong ko.
"RDM Condominium." Sabi ng kasambahay nila.
Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung saan malapit sa P.U ang condo nila. Nagbibigay na nga ng exact address, hindi pa kumpleto.Sana sinabi niya ang daan papunta dun, hindi ko saulado eh.
Bakit ba kasi nandun siya? Sana sinundo niya muna ako dito sa bahay niya para sabay na kami papunta dun. Yung mokong talaga! Kainis!
"Sige po. Magtatanong tanong nalang po ako. Hindi ko po kasi masaulado ang daan eh. Salamat po." Sabi ko at lumabas ng bahay nila.
Hinatid na lang ako ng yaya niya sa labas ng bahay nila.
Sumakay nalang ako sa kotse ko at nagmaneho na lang.
*****
"Hi Miss Ganda. May hinahanap ka?" Nagulat nalang ako ng may sumulpot sa tabi ko na lalaki.
"Oo." Sabi ko.
"Ano yun Miss Ganda, baka matulungan kita? Sino ba ang hinahanap mo?" Sabi niya. Nagsidatingan naman ang mga kasama niya. Oh no! Natatakot ako baka reraypin nila ako huhuhu! Ang lalaki at ang lalakas ng katawan nila, kayo na bahala sa pamilya ko!
Parang adik naman toh! Hindi ako kumakausap sa hindi ko kilala, baka magnanakaw o rapist toh eh!
"Sorry, lugar kasi ang hinahanap ko, hindi tao." Sabi ko. Waaaaah tulungan niyo ko! Baka bugbugin ako nitong mga lalaking lasing na toh!
"Auh ganun ba Miss! Sama ka muna samin, ituturo kaagad namin sayo ang lugar na hinahanap mo." Sabi niya. Basta may alak, may balak! Waaaaaah tulungan niyo ko!! Ayoko pang mamatay! May mga pangarap pa ako!
Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi tatlong malalaking lalaki sila, isa lang ako, hindi ko sila kaya! Sana may tumulong man lang sakin.
Saan na ba kasi ang condo ni Mokong? Gusto ko nang makatakas sa tatlong toh!
"Ay hehe sorry pero di bale na lang." Sabi ko at aalis na sana nang korneran nila ako.
Oh noh! Anong gagawin niyo sa akin? May pamilya pa ako!
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...