[Malapit na tayo sa ending] Mahaba haba po ito.
1 month later...
Keith's POV
"Nakahanda na ba lahat?"
[Oo. Saan na ba kayo?]
"Nasa bahay palang. Hinihintay ko pang dumating si Monica."
[Sige.]
"Siguraduhin niyong gagana tong plano natin, huh?" Tanong ko.
[Oo naman, kami pa. Gagana to basta kami ang naghanda. Sigurado ka na ba dito, Bro?]
"Oo. Siguradong sigurado na ako."
"Sige. Hihintayin kayo namin."
Ibinaba ko naman ang phone ko.
*tok! tok!*
Si Monica na siguro toh. Binuksan ko naman ang pinto kaagad.
Monica's POV
"HAPPY MONTHSARY BOYFRIEND KO!" Sabi ko kay Keith pagkabukas niya ng pinto.
"Oh Girlfriend ko? Anong meron? Pumunta ka pa talaga dito para lang ibigay sakin yang cake mo huh?"
"Bakit? Nakalimutan mo ba ang monthsary natin, Boyfriend ko? Hindi mo ba nagustuhan, boyfriend ko?" Tanong ko sakanya.
"Syempre nagustuhan ko Girlfriend ko. Happy Monthsary girlfriend ko. I love you." Sabi niya sakin at hinalikan ako sa lips.
"Sa lips na kita hahalikan palagi." Sabi niya sakin at ngumisi.
"Sira ka. Tara na nga, ikain na natin tong cake." Sabi ko at ipinapasok naman niya ako sa bahay niya.
"MOM! NANDITO SI MONICA." Tawag ni Keith kay Tita Karen.
Nakita ko naman si Tita Karen na bumaba sa hagdan. Parang may lakad, nakaporma eh.
"Hi Iha." Sabi niya sakin at bineso beso ako.
"Hello po Tita." Sabi ko.
"Anong meron bat my cake ka Monica huh?" Napansin naman ni Tita yung cake na hawak ko.
"Auh Mom, monthsary po namin ni Monica ngayon. Hehe." Sabi naman ni Keith.
"Auh ganun ba? Bakit siya pa nagdala ng cake? Parang baliktad yata. Wag mong sabihin na nakalimutan niyo ang monthsary niyo?" Sabi ni Tita Karen.
"Hindi po Mom. Nagulat nga ako kanina ng bigla siyang dumating dito na may dalang cake eh."
"Ikaw talaga Keith. Dapat ikaw ang nagbibigay niyan, mga kabataan nga naman ngayon oh. By the way, may pupuntahan lang akong importante."
"Kaya po pala nakaporma po kayo Tita hehe." Sabi ko.
"Haha sige na, alis na ako. Ikaw nang bahala dito sa bahay, Keith." Sabi ni Tita Karen at umalis naman siya ng bahay.
"Bye po Tita. Mag iingat po kayo." Sabi ko.
Nang makaalis na si Tita ay kami nalang dalawa ni Keith ang naiwan. Tinignan naman niya ako at parang ngumingisi.
"Oh, anong binabalak mo Boyfriend ko?" Tanong ko sakanya.
"Ngumisi lang ako, may binabalak na agad girlfriend ko?"
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...