💠Chapter 43: Defend💠

1K 35 0
                                    


Greg's POV


"HANGGANG FRIENDS LANG BA TALAGA TAYO?"


Nag sisink in pa rin sa utak ko ang sinabi ko kay Monica.


Bakit ko ba kasi natanong sakanya yun? Alam mo naman na hanggang friends lang talaga kayo, tinanong mo pa?


Ano ba kasi ang pumasok sa utak ko?


Muntik ko nang masabi sakanya yun. Na mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan kaya lang nahiya akong sabihin sa kanya.


Siguro, hindi muna ito ang oras para sabihin ko sakanya.


Tssss wag mo na ngang isipin yun!


Nandito ako ngayon sa restaurant ni Tito, nag tatrabaho bilang waiter.


Alam na ni Monica na nagtatrabaho ako bilang waiter dito. Sinabi lang naman sakanya ni Chloe.


Ang alam lang ni Monica sakin ay gumagawa ako ng books. Totoo yun.


Si Daddy kasi journalist noon. Mahilig siyang gumawa ng mga articles, journals and mga books. Nahiligan ko din ito nung bata ako kaya ngayon, naging magaling na akong journalist. Hindi naman sa sobrang galing, natututo palang.


"Hoy! Okay ka lang?" Biglang tanong sakin ni Clinton. Ang kasama kong waiter dito na parang bestfriend ko na din.


Ang kulit talaga nitong si Clinton eh! Mahilig manggulat.


Umaayos kami ngayon ng mga table dahil pagabi na din naman at wala ng tao. At mamaya uuwi naman ako.


"Ano ba! Nanggugulat ka eh!" Inis kong sigaw sa kanya.


"Woooh chill Pare. Nagtanong lang naman ako eh."


"Bakit ba?"


"Kanina ka pa kasi tulala at may iniisip, ano yan? Lablayp?"


"Anong lablayp lablayp sinasabi mo diyan? Pagod lang ako nuh." Sabi ko.


"Auh akala ko iniisip mo na naman si Monica." Tsss alam mo naman pala, tinatanong mo pa! Weird ah.


Palagi ko kasing kinekwento sakanya si Monica mula nung pagkabata kaya alam na alam niya lahat tungkol sakin.


"Oh natahimik ka? Siya nuh?" Asar niya sakin.


"Siraulo! Hindi. Tss diyan ka na nga, baka makita pa tayo ni Tito dito na naguusap eh, lagot tayo dun." Sabi ko at aalis na sana.


"Oh? Si Monica oh?"


Napatingin naman ako sa tinuturo ni Clinton na direksyon.


"SAAN?" Tanong ko. Wala naman eh! Siraulo tong si Clinton!


"HAHAHAHAHAHA joke! HAHAHA kaya pala! Pagdating kay Monica, napapalingon agad. Siya nga talaga ang iniisip mo, Pre!" Asar niya sakin habang natatawa.


So masaya ka na, Clinton? Eh kung tawagin ko kaya si Wendy, baka matauhan ka din! Tsss bwesit! Si Wendy, inspirasyon niya daw.


"Uy Wendy! Ikaw pala!" Sabi ko kahit na wala naman akong kausap. Ganti ganti lang kay Clinton.


"Saan siya? Wendy!" Tawag niya. Tss uto uto talaga! Tumatawag sa wala dito!


"HAHAHAHA! Yan kasi!" Asar ko at natatawa.


The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now