Monica's POV
Pagkauwi ko ng bahay ay nakita ko kaagad si Dad sa office niya na nag lalaptop.
Nilapitan ko naman agad siya.
"Hi Dad." Bati ko sakanya.
Tinignan naman niya ako.
"Oh? Bakit anak?" Tanong niya.
"Auh may sasabihin lang po sana ako sainyo na dapat tayong dalawa lang." Sabi ko kay Dad.
"Auh ano yun anak?" Tanong ni Dad.
"Auh eh kasi po gusto ko po sanang sabihin sainyo na sikreto lang po muna sana natin kay Mommy na may boyfriend ako. Alam niyo naman po mabilis magalit yun sakin at strikta yun pagdating sakin." Sabi ko.
"Huh? Bakit naman? Eh sakin nga, ipinakilala mo siya eh sa Mommy mo pa kaya? Speaking of your Mom, uuwi na siya bukas ng umaga." Sabi niya.
Uuwi na si Mom? Sana wag muna,joke! Baka makita at malaman niya pa na may boyfriend ako.
"Ganun nga po Dad eh. Nahihiya po akong sabihin sainyo kanina, sinabi ko po sainyo na friends lang kami pero sinabi na po ni Keith ang totoo. Yun na po." Hiya kong sabi.
"Bakit ka naman mahihiya eh Daddy mo naman ako? Akala mo ba magagalit din ako?"
"Akala ko po magagalit kayo sakin na may boyfriend ako at yun pala gusto niyo din si Keith. Pero nagalit po ba talaga kayo kanina?" Tanong ko.
"Oo."
"Ano?"
"Nagalit lang ako dahil ipinakilala mo si Keith sakin at hindi sa Mom mo. Magkasama ba kayo sa Tagaytay ni Keith?"
"Yes Dad but wala po kaming ginawa ah? Baka isipin niyo."
"Nagtitiwala ako sayo anak. Alam ko na hindi mo naman gagawin yun."
Thanks Dad dahil nagtitiwala kayo sakin.
"Thanks Dad. Pero satin satin lang po muna toh if pwede sainyo?" Tanong ko.
"I'm sorry Honey but dapat talagang malaman iyon ng Mommy mo. Mas lalo pang magagalit yun satin kung hindi natin sinabi sakanya. She's your Mom and dapat alam niya ang tungkol sayo." Sabi ni Dad.
Tama si Dad. Kailangan ko ngang ipakilala si Keith kay Mommy. Kailangan ko ngang sabihin kay Mommy baka mas lalo pang gugulo kung papatagalin ko pa.
"You're right Dad. I will tell Mom but not this time." Sabi ko.
"Okay Honey."
"Ang importante po, okay po sainyo si Keith. Sana ganun din si Mommy,sana matanggap niya si Keith." Sabi ko.
*riing! riiing!*
Bigla namang tumunog ang phone ni Dad at sinagot naman niya iyon.
"Sandali lang Anak. I will take this call.*hello?*" Sabi ni Dad at tumayo at lumabas ng office niya.
Importante siguro yung tawag na yun.
"Sorry Honey. May sasabihin ka pa ba?"
"Wala na po Dad."
"Okay. *ano nga ulit yun?*" Sabi niya sa kausap niya sa phone.
Lumabas nalang ako sa office ni Dad at umakyat sa kwarto ko.
****
*kinabukasan*
May pasok na naman. It's Monday. Panigurado, mabobored na naman ako nito sa class.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...