Monica's POV
Matapos ang ilang araw ay wala nang kumakalat pa na issue tungkol sa akin at wala nang nanghuhusga sa akin sa school.
"Oh the vacation? Auh. Muntik ko nang makalimutan yun. Kailan nga ulit yun?"
"Okay. Mr. Jimenez. I will tell my daughter about that. Bye."
Nandito ako ngayon sa dining table at kumakain. Patapos na rin naman ako at aalis na ako agad para pumasok.
Sino ba ang kausap ni Mommy sa phone? Mr. Jimenez? Auh si Tito Chad pala, yung kabusiness partner niya.
Ano ba ang pinag usapan nila?
"Mom? Si Tito Chad po ba yun? Ano pong sabi niya?"
Hindi ako chismosa para malaman pa yung ano ang pinagusapan nila. Baka isipin ni Mommy, nakikiusyoso ako.
"Yes anak. Sabi niya, next week na ang vacation natin sa Tagaytay kaya kailangan na nating maghanda." Sabi ni Mommy.
Auh yun lang pala eh. WHAT? Next week na? Bakit ang bilis naman?
Oo nga pala, pupunta pala kami sa Tagaytay para magbakasyon kasama namin ang business partner ni Mommy.
"Next week na po agad? Ang bilis naman po. Hindi pa ako tapos sa paghahanda."
"Yun nga rin eh, nagulat din ako. Sobrang bilis naman ng oras oh." Sabi ni Mommy.
"Si Daddy po ba sasama?" Tanong ko.
Speaking of Daddy, wala pala siya dito ngayon. Nasa states pala siya para asikasuhin ang company namin.
"Hindi muna siya makakasama satin anak, may aasikasuhin siya sa company natin sa states so he will be busy this week." Sabi ni Mommy.
"But sino pa po ang kasama natin?"
"Tayong dalawa lang at yung anak ni Mr. Jimenez." Sabi niya.
Oo nga noh? Ipapameet pala ako ni Tito Chad sa anak niya. Sino kaya ang anak niya? Sana gwapo, mabait, at foreigner ay joke! Este matangkad. Hihi.
Haist bahala na. Makikilala ko din siya. SOON.
"Auh okay Mom." Sabi ko.
"You need to finish all your stuffs at kailangan mo nang maghanda." Habol na sabi ni Mommy.
"Yes Mom. I'll do it later." Sabi ko.
"Mom, alis na po ako. Bye po." Sabi ko at umalis palabas ng bahay pagkatapos kong maubos ang kinakain ko.
Parang ayoko pang umalis. Ang sarap kasi ng ulam eh, lechon paksiw at sinigang na baboy. My favorites. Nabitin tuloy ako.
Ang sarap diba? Natatakam kayo noh? Haha mainggit kayo. Hahaha joke!
******
"So pupunta kayo ng Mommy niyo sa Tagaytay next week?" Tanong sakin ni Mika.
Nandito kami ngayon sa room, wala pa kasi ang teacher namin.
Kakasabi ko lang sa kanila yung tungkol sa pagpunta namin sa Tagaytay next week.
"Oo."
"Pwede kaming sumama?" Sabi ni Chloe.
"Ano ka ba Insan! Malamang, hindi papayag si Tita na sumama tayo, baka maging sagabal lang tayo dun." Sabi ni Mika.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Novela JuvenilAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...