Monica's POV
Matapos ang triple date namin kagabi ay natapos din ang fireworks at napagpasyahan din namin na umuwi.
Worth it ang date namin kagabi.
Maaga naman akong lumabas para magjogging.
Kahit na inaantok at pagod ako kagabi, pinilit ko pa ring iexercise ang katawan ko para maging masigla at malusog ang pangangatawan ko.
Habang nagjojogging ako ay nakakita naman ako ng isang isawan.
Naalala ko na dito din kami lumabas ni Keith at kumain ng almusal. Ang almusal namin ay fishball at isaw.
Natatawa pa nga ako na aayaw ayaw pang kumain ni Keith nun pero kakain din pala siya.
Sana maulit yun. Hahaha natatawa pa rin ako.
"Kuya, pabili nga po ng dalawang isaw at isang order ng fishball." Sabi ko kay Kuya na nagtitinda ng isaw.
"Kuya, tatluhin niyo ang isaw at dalawahin niyo ang order ng fishball."
Napalingon naman ako sa nagsalita sa likod ko.
Si Keith pala.
Bakit siya nandito?
"Oh, bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Bibisita sana ako sainyo kaya lang sabi ng kasambahay niyo, nagjogging ka daw. Exercise habit mo yan palagi noh?" Tanong niya.
"Oo tuwing Sabado, nagjojogging ako. Eh kumakain ka na ng street foods?" Tanong ko sakanya.
"Opo naman Girlfriend ko. Kung ano kinakain mo, kakainin ko na din. Masarap pala." Sabi niya.
"Masarap talaga lalo na kapag maanghang." Sabi ko.
"Hep! Wag mong lagyan ng maanghang girlfriend ko! Ayoko sa maanghang." Sabi niya.
Ano? Ayaw niya sa maanghang? O ayaw niya lang mapaso ang dila niya?
"Ano? Boyfriend ko, ayaw sa maanghang?" Asar ko sakanya.
"Allergy ako diyan eh." Sabi niya. Kaya pala.
"Auh okay. Sorry." Sabi ko.
"Sir, Maam, eto na po ang order niyo." Sabi ni Kuya Vendor ng isawan.
Wow, parang nasa restaurant lang huh?
"Salamat Kuya." Sabi ko.
Kumain naman kami. Nilagyan ko naman ng maanghang ang fishball ko at pati na ang isaw.
"Sayang lang, allergy ka dito, masarap pa sana." Pag iinggit ko sakanya.
"Okay lang girlfriend ko. Masarap pa rin naman eh kapag walang anghang." Sabi niya.
"Ikaw bahala." Sabi ko sakanya at nag eenjoy kumain ng fishball at isaw.
Totoo nga ang nasa isip ko, na ulit nga na magkasama na naman kami ni Keith dito sa lugar na ito. Dito sa isawan.
"Parang ayoko nang kumain, nag eenjoy kasi ako na titigan ka." Sabi niya.
"Asus. Kumain ka na nga diyan. Baka gusto mong lagyan ko yang kinakain mo ng maanghang." Sabi ko.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...