💠Chapter 38: Epic Fail💠

1K 24 0
                                    

Monica's POV

"Ano ba!! Ano bang problema mo? Bakit mo ko biglang hinihila ha?" Sigaw ko kay Keith pagkalabas namin ng canteen.

"Wag ka nang makipag usap sa lalaking yun, pwede?" Sabi niya.

"Ano? Sinasabi mo lang yan dahil hindi mo siya kilala. Hindi mo kilala si Greg kaya pwede ba? Bitiwan mo na ako. Masakit na ang braso ko sa kakahila mo sakin eh." Inis kong sabi.

Binitawan naman niya agad ako.

Sino siya para sabihan akong wag makipagusap kay Greg? Ano siya, hilo? Tsss ayoko nga. Buti pa siguro, siya nalang ang hindi ko kakausapin kaysa kay Greg.

"Oo, hindi ko nga siya MASYADONG kilala pero kakilala mo palang, nakipagkilala ka na agad? Friends na agad kayo? Ano yun? Mabilisan lang?" Sabi niya.

Wow ha! Makapagsabi eh!

"Bakit? Mabait si Greg, di tulad mo, mayabang nga, masungit pa!" Sabi ko at tatalikuran na siya.

"Boss mo pa rin ako at wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang BOSS mo!" Natigilan naman ako sa sinabi niya.

Boss? Naalala kong last day ko na pala bilang slave niya. Last day niya na rin bilang boss ko.

"Boss? Hindi na kita boss. Nakakalimutan mo na ba? LAST DAY KO NA TO BILANG ISANG SLAVE MO!" Sigaw ko.

"What? Slave siya ni Keith?"

"Paano nangyari yun? Akala ko ba girlfriend niya yang babaeng yan?"

"Eew! So malandi nga talaga! Siguro, sinabihan niya si Keith na maging girlfriend siya, yun pala, isang SLAVE lang siya?"

Halos napalakas ang sigaw ko dahil
narinig ng mga students ang sinabi ko. Waaaaah!! Namromroblema na nga ako na magiging sikat na ako dahil girlfriend niya ako tapos mas lalo pa akong sisikat dahil naghuhusga na sila kaagad.

Sa totoo lang, masakit talaga yung mga sinasabi ng ibang students. Yung mga tingin nila parang galit na galit at parang kakainin ka nila ng buhay.

Tumitingin lang sakin si Mokong. Mabuti pa siguro, lalayo muna ako sakanya, iiwasan ko muna siya at hindi ko muna siya kakausapin.

Tumalikod na lang ako sakanya at naglakad.

But wait, may nakalimutan akong sabihin sakanya.







"I WILL NEVER BE YOUR SLAVE, GOOD BYE MY BOSS!" Sabi ko sakanya at naglakad nalang palayo habang hindi pa dumami ang mga students at baka pagchichismisan na naman ako.

Good Bye na talaga, Mr. Mokong! Masaya na ako dahil tapos na ang paninilbihan ko at magiging maayos na ang buhay ko. Makakauwi na ako ng maaga sa bahay.

Tinext ko nalang sina Chloe at Mika na maaga akong umuwi para hindi na sila maghanap pa sakin.

*****

"Oh? Himala, aga mo yatang umuwi" Sabungad kaagad sakin ni Mommy pagkauwi ko ng bahay.

"Wala na po kasing pasok ngayong hapon kaya napagpasyahan ko nalang pong umuwi." Sabi ko.

"Oh? Problema mo bat ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Mommy.

"Auh wala po Mom. Pagod lang po ako. Akyat lang po muna ako sa taas." Sabi ko at umakyat na sa taas.

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now