💠Chapter 91: Fight and Sacrifice💠

733 16 3
                                    


Monica's POV

Nakita ko si Keith na duguan at tahimik lang. Ang dami niyang bugbog sa mukha at katawan.

"ARGH! BOYS, MAGING ALERTO KAYO SA PAKIKIPAGLABAN, MAY NAKAPASOK AT NAKATUNTON SAKIN!" Sigaw ni Hannah sa mga tauhan niya. Nagsialisan naman agad sila.

Sino? Sino ang nakapasok?

"Sina Cedric at Justine at Greg siguro yun. Kailangan natin silang tulungan." Sabi ni Keith.

"Paano natin sila matutulungan eh, nakatali tayo?" Sabi ko.

"May nakita akong blade dito, tutulungan agad kita kapag nakawala na ako sa tali." Sabi ni Keith.

Sana gumana yung blade!

Nakita kong pilit tinatanggal ng blade ang tali ni Keith. Kahit na nasusugatan na siya dahil sa blade, pinipilit niya pa rin.

Ginagalaw ko din yung mga kamay ko baka sakali, matanggal ang tali. Pero ayaw talaga.

Bilisan mo Keith! Baka may nangyari na sa kanila.

Nagulat nalang ako ng natanggal ni Keith ang tali sa kanya. Tinulungan naman niya ako na maitanggal ang tali sa kamay at paa ko.

Sa wakas, natanggal na ang pagkakatali sakin. Makakagalaw at makakakilos na ako.

"Salamat Keith." Sabi ko at niyakap siya.

"Gagawin ko ang lahat para sayo, mahal ko!" Sabi niya at niyakap naman niya ako.

Nagkaalisan naman kami sa pagyayakapan.

"Tara na, tulungan natin sila-----"

"HOY! PAANO KAYO NAKAKALAS?" Tanong bigla ng isang lalaki. May nagbabantay pala sa labas, hindi namin napansin.

Susugurin na sana kami ng lalaki pero sinuntok naman siya ni Keith.

Ayun, tumba agad siya. Wooh, ang galing ni Keith. Gangster siya eh, magaling siya sa pakikipaglaban.

"Tara na Monica." Sabi ni Keith sakin at hinawakan ang kamay ko.

"At saan kayo pupunta?" Nagulat nalang kami ng makita kami ni Diana.

Sinabunutan naman niya ako at si Keith naman ay hawak ng mga lalaki.

"Ano pa bang kailangan mo Diana? Bakit hindi mo pa kami patayin?"

"Tss gusto ko pang patagalin eh. Gusto ko pa kayong pahirapan."

"Ang sama mo!!" Sigaw ko.

Sinusuntok ng mga lalaki si Keith.

"Tigilan niyo yan!"

"So sad right Monica? Nakikita ang mahal mo na duguan? Tsk.tsk. Hindi kasi tumupad sa usapan si Keith eh, nagdala pa ng kasamahan." Sabi ni Diana.

"Diana! Bitiwan mo ko!!" Sigaw ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakasabunot niya sakin.

"Ayoko! Gusto ko na makita mo ang pagpapahirap kay Keith."

Marami ng lumabas na dugo kay Keith. Hindi na siya makagalaw at makalaban.

Sh't ayoko na talaga!!

"Dalhin niyo yan, Boys! Ipapakita natin yan sa mga kasamahan nila" Sabi ni Diana.

Hawak hawak pa rin ako ni Diana. Dinala naman ng mga lalaki si Keith.



The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now