Keith's POV
"Diana?"
"What did you say?" Sigaw sakin ni Diana.
"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko sakanya.
"Yes ofcourse. So, this is all a plan, Keith? Is this all a fool?" Inis na tanong niya.
"Yes Diana. This is all a plan. And this is a fool."
"HOW DARE YOU NA PUMAYAG KA NA MAGPAKASAL TAYO SA PARENTS KO TAPOS MALALAMAN KONG HINDI KA SISIPOT SA KASAL NATIN? GUSTO MO BA AKONG IPAHIYA?" Sigaw niya.
Ang rindi ng sigaw niya.
"Parang ganun na nga. Hindi ako sisipot sa kasal dahil hindi ko naman mahal ang papakasalan ko. Bahala na kung magalit ang parents mo sakin basta hindi ako magpapakasal sa isang katulad mong masama ang ugali!" Sigaw ko sakanya. Aalis na sana ako kaya lang pinigilan niya ako.
"How dare you to talk to me like that? Tandaan mo, minahal kita dati at minahal mo din ako. Walang nagbago dun Keith."
"Meron. Merong nagbago mula nung iniwan mo ko sa ere na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na yun. Dati pa nga yun, pero nagbago na ako Diana. Hindi na ako ang Keith na minahal mo dati."
"Diba napagusapan na natin toh Keith? Kung ganun, I'm sorry. I'm sorry kung iniwan kita dati. Pero hindi ka ba masaya na bumalik na ako?"
"Masaya din pero wala nang mas sasaya pa dahil nakilala ko si Monica. Kung hindi ka umalis, hindi ko sana kilala si Monica ngayon. Kung hindi mo ko iniwan, sana mahal pa rin kita ngayon kaya lang, umiba na eh. Dumating ka at may mahal na akong iba. Dun ko na realize na hindi na pala kita mahal at wala na akong feelings sayo, Diana. Sana maintindihan mo yun kahit papaano."
Umiiyak na siya.
"Tama ka nga Keith, hindi mo na nga ako mahal pero sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal pa rin tayo! Itaga mo yan sa bato! Kaya kong saktan si Monica para sayo. Kaya kong saktan si Monica para magpakasal ka sakin. Please, Keith? Magpakasal ka sakin."
"Hindi na nga ikaw ang Diana na kilala ko dati. Umiba ka na Diana. Naging mas masama na ang ugali mo kaysa sa dati. Kaya mong saktan si Monica para magpakasal ako sayo? Walang kinalaman si Monica dito." Inis na sigaw ko sakanya.
"Wala ka na din magagawa dahil siguradong sigurado na ako sa mga plano ko."
"Please Keith! Please! Wag mo kong ipahiya sa harap ng maraming tao. I love you so much, Keith. Wag mo namang gawin sakin toh oh. Sumipot ka sa kasal natin." Sabi niya.
"I'm sorry Diana pero ayoko. Kapag hindi mo ibinago ang ugali mo, hindi pa rin ako magpapakasal sayo."
Tinalikuran ko nalang siya at umalis.
"Ayaw mo talaga? Pwes. Pumili ka, magpapakasal ka sakin at hihiwalayan mo si Monica o hindi ka sisipot sa kasal at makikita mong may mangyayaring masama kay Monica?" Tanong niya na bigla ko namang ikinatigil.
What? Ang hirap ng choices niya.
"Are you crazy, Diana?"
"Yes, I'm crazy. Crazy inlove with you. So, ano na? Magpapakasal ka sakin at hihiwalayan mo si Monica o hindi ka sisipot sa kasal at makikita mong may mangyayaring masama sa kanya?"
Dito na ba nagsisimula ang mga binabalak niya? Na paghihiwalayin niya talaga kami ni Monica para magpakasal ako sakanya?
So paano na ang mga plano mo, Keith? Kapag hindi ka sumipot sa kasal niyo ni Diana, may mangyayaring masama kay Monica. Anong pipiliin ko?
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...