Monica's POV
Ang bilis ng araw. Wednesday na agad eh hindi ko naman na enjoy yung pagpapahinga ko sa Cheerleading Squad. Eto naman si Maam Paulino, sabi niya kukunin niya ang oras namin sa hapon ibig sabihin wala na kaming pasok ngayon. Magpapractice nalang kami ng cheerleading.
"Ano ba naman yan! Nakakainis yung coach na yun eh akala mo ikinaganda niya, eew ayoko makita ang pagmumukha niya!" Rinig kong sabi ng kaschool mate ko siguro baka kateammate ko din sa cheerleading.
Tinutukoy ba niya si Maam Paulino?
Nandito ako ngayon sa CR ng school, nagpapaganda ay este nag aayos pala ng gamit ko at nagbihis na din kasi magpapractice na kami maya maya nang marinig ko tong dalawang babaeng nag uusap. Nasa loob kasi ako ng cubicle.
"Oo nga eh! Akala mo kung sino! Makaasta eh! Ano sugurin natin?" Mukhang matapang tong babaeng toh ah! Ano daw? Susugurin?
"Wait wag nating gawin yun. Alam mo namang strikta yun sa atin." - Girl 1
"Eh ano naman?" - Girl 2
"Alam ko na yang si Miss Paulino ay bisexual."
Ano? Bisexual si Miss Paulino? Paano nangya------ Teka nga!? Paano nila nasabing bisexual si Maam eh hindi naman halata. May pagkaboyish nga si Miss Paulino pero hindi naman siya bisexual. Siguro gusto lang nilang siraan si Miss Paulino para hindi na magiging strikta sa kanila.
"Ano? Totoo ba yang sinasabi mo?" Tanong ng kaibigan niya.
Ayaw ko na talagang makinig sa kanila pero hindi pa din ako makakaalis sa kinatatayuan ko na para bang gusto pa niya akong makinig pa sa dalawang bruha na toh.
Isumbong ko kaya toh? Tiyak guidance office ang abot nila? Kung gawin ko yun baka ako naman ang babantaan nila at gagawan nila ng masama. Ayoko nga nun! Never pa kaya akong nakikipag away.
"Basta. Tara na nga lang. Baka may makakarinig pa satin dito eh." Sabi nung echosera. Umalis naman kaagad sila. Oo girl, may nakakarinig nga sainyo. Sarap isumbong eh! Baka kasi magkakagulo pa kung magsusumbong ako.
*booogsh*
Oops! Narinig kaya nila ako? Nadulas lang naman ako sa sahig ng cubicle dahil sa sobrang pakikinig ko sa tatlong yun. Hala lagot!
"Ano yun?" Tanong ng isang echoserang bruha.
"Hindi ano, sino! Sino yun?" Sabi naman ng kasama niyang bruha.
Hindi na ako nagsalita. Ang sakit ng pagkadulas ko ah! Muntik nang mabagok ang ulo ko sa wall.
"Waaaaah girl baka may multo dito?" Pffft takot pala sa multo toh? Makasabi ng hindi katotohanan about kay Miss Paulino eh takot naman pala sa multo?! Hiya naman ako.
"Tara na! Tara na!" Sigaw nila at nagsitakbo. Itong dalawang toh takot pala sa multo eh! Hahaha tawa ako sa kanila.
Hindi ko na sila narinig pa at nakaalis na. Nang makaalis na sila ay agad naman akong lumabas ng cubicle at lumabas na rin ng CR.
"Wohho muntik na yun ah, buti nalang hindi ako nabuking. Aray ko!" Sabi ko sa sarili. Masakit pa din kasi ang pwet ko.
*booooogsh*
Aaaah ano yun? Totoo bang may multo talaga sa cr na toh? Mabilis kaagad ako nakatakbo palabas ng cr. Sana nga hindi multo yun!
Nang makarating na ako sa gym ay maraming nanunuod na mga students sa bleachers. Akala ko ba practice toh eh parang totoo na toh eh? Sa dami ba naman ng tao dito!
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...