Monica's POV
"Anong gusto mo, boyfriend ko? Mag order ka na." Sabi ko kay Keith.
Medyo nahihiya pa kami dahil kanina pa kami tinitignan ng mga students dito sa canteen.
Hindi lang sa canteen, kundi sa labas. Kung saan kami pumupunta ni Keith ay tinitignan pa rin kami.
Naghoholding hands ba naman kami ni Keith at magkasama kaming dalawa, sino ang hindi titingin dun? Eh halos masanay na ako dahil sikat na kami ni Keith.
Hindi pa nga nila alam na kami na ni Keith, nagchichismis na agad sila. Hayaan ko na nga yun, hahayaan ko na lang na tignan nila kami, mahal naman namin ni Keith ang isa't isa.
"Kung anong gusto mong orderin Girlfriend ko, ganun na din ako!" He's so sweet boyfriend. Paano kaya ako kung wala siya?
Nalungkot nalang bigla ang mukha ko.
Iniisip ko pa rin kasi ang tungkol samin ni Keith.
Eh sabihin na kaya namin sa lahat? Malalaman at malalaman din naman nila yun sa huli.
"0h, bat biglang lumungkot mukha mo, girlfriend ko? May problema ba?" Tanong sakin ni Keith at iniharap ako sakanya.
"Ang sweet nila."
"Sila na ba? So sweet naman."
"Kinikilig ako!!"
"Ew! Sila na ba? Inagaw na niya si Bebe Keith ko! Huhu!"
"Wala ka ng pag asa, teh! Hanggang kaibigan ka nalang, may girlfriend na oh!"
Isa na yan ang mga naririnig ko galing sa mga students dito sa paligid namin.
"Hayaan mo sila Girlfriend ko. Hanggang salita lang yang mga yan, basta ikaw, ikaw na girlfriend ko!Baka gusto mo, sabihin na natin sa----"
Hindi ko na siya pinatapos dahil pinigilan ko siya.
"Wag muna. Hindi pa ako handa." Sabi ko.
"Ako, handa na ako Monica. Wala namang mawawala at magagalit kung aaminin na natin sa kanila kung ano ang tungkol sa atin. Malalaman at malalaman din nila yan sa huli at nakakahalata na kaya sila satin, tatanggi pa ba tayo?" Sabi niya sakin.
Tama si Keith. Mahal namin ang isa't isa, at dapat sabihin namin yun sa buong campus. Wala namang mawawala Monica eh. Magtiwala ka lang kay Keith.
"Sige, ikaw bahala." Hiya kong sagot.
Mas lalong hinigpitan ang hawak sakin ng kamay ni Keith.
Kinakabahan na may halong hiya.
Oh! Kung ano man ang magiging reaksyon nila, bahala na! Basta kami ni Keith, sasabihin namin ang totoo.
"Winstone School Academy, gusto kong iannounce sa inyong lahat na ang babaeng nasa harapan niyo ngayon at ang kasama ko ngayon ay si Monica, my girlfriend. Alam kong kilala niyo na siya dati so gusto ko lang malaman niyo na kapag may makita akong sasakit sa girlfriend ko ay makakatikim sakin. Naiintindihan niyo ba? At kalimutan na din natin yung issue tungkol sa kanya." Sabi ni Keith sa lahat ng students.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...