💠Chapter 74: Triple Date💠

598 17 0
                                    


Monica's POV


Wala akong alam kung saan kami pupunta ngayon ni Keith.


Hindi ko din alam kung saan yung mga kaibigan namin.


Ni hindi sila nagtext o tumawag man lang kung nasaan sila.


"Keith, saan yung mga kaibigan natin?" Tanong ko sakanya.


Nagmamaneho siya ngayon. Nandito naman ako sa passengers seat katabi niya.


"Ewan ko sakanila. Hayaan mo nalang sila, basta tayo, maghahanap tayo ng lugar na pwede sating dalawa."


Parang hindi na nga toh triple date eh. Kanya kanya kaming date.


Hindi nalang ako nagsalita.


"May alam ako kung saan tayo magdedate." Sabi niya sakin.


"Saan?"


"Nalaman ko kasi na may fireworks mamaya sa labas ng mall. Sa palagay ko, magandang pasyalan dun." Sabi niya.


Waaah! Gusto ko makakita ng fireworks!


Sa huli ko kasing makakita ng fireworks ay nung bata ako. Kasama ko ang parents ko nun.


"Sige boyfriend ko, manuod tayo." Sabi ko nalang at nagmaneho naman siya.



Chloe's POV


"Babe! Nabobored na ako dito. Lumabas naman tayo." Reklamo kong sabi sakanya.


Nandito pa rin kami sa loob ng mall sa may restaurant.


"Eh lumabas na naman tayo eh. Ano tawag dito, babe?" Asar niya.


Bwesit. Naiinip na nga ako dito eh. Pasyal, kain, pasyal kasama si Cedric. Sinong hindi maiinip dun?


"Babe naman eh. Alam ko pero sa labas ng mall. Sa iba naman tayo pumasyal." Sabi ko sakanya.


"Oh sige. Tapusin mo muna yang kinakain mo babe." Sabi niya sakin at kumain nalang ako.


"Honey, nabalitaan ko, may fireworks daw mamaya diyan sa labas. Nood tayo, huh?"


"Ofcourse Babe"


Nakarinig naman kami ng usapan ng mag asawa siguro o basta dito sa loob ng restaurant.


But wait? Ano daw? May fireworks mamaya diyan sa labas?


Waaah gusto kong manuod!!


"Babe, narinig mo ba yun? May fireworks diyan mamaya sa labas. Nood tayo." Sabi ko.


"Bakit Babe? Ngayon ka lang ba nakakita ny fireworks?"


"Ngayon palang. Sige na Babe. Minsan lang naman toh eh." Pangungulit ko.


"Sige na. Sige na." Sabi niya.


"Thank you Babe. I love you." Sabi ko sakanya.


"Kung hindi lang kita mahal eh."


Tinapos nalang namin ang kinain namin. Pagkatapos naming kumain ay tumayo naman agad kami at nagbayad.


*****


Ang ganda nga dito. May pailaw si Mayor, joke! Pero seryoso, maganda nga dito. Madaming pasyalan. Maraming taong nagdedate at pumapasyal.


The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now