Keith's POV
Nagising nalang ako sa sikat ng araw galing sa bintana.
Babangon na sana ako kaya lang sumakit bigla ang ulo ko.
Ano bang nangyari kagabi?
Ah! Naalala ko na nalasing pala ako kagabi pero paano ako napunta dito?
"Good morning Boyfriend ko." Bigla namang pumasok si Monica.
Teka? Siya ba ang nagdala sakin dito kagabi?
Naalala ko din na nag usap pala kami kahapon tapos hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
"Ikaw ba nagdala sakin dito?" Tanong ko.
"Yes boyfriend ko. Lasing na lasing ka kagabi, alam mo ba kung anong sinabi mo sakin?"
Huh? May sinabi ako? Bakit hindi ko maalala? Sa sobrang kalasingan siguro toh.
"Ano?" Tanong ko.
"Nagsorry ka sakin." Sabi niya.
Nagsorry ako sakanya?
Ang totoo niyan, hindi ako nagalit kay Monica. Galit lang ako sa sarili ko. Galit ako dahil nadala ako sa emosyon ko.
"Kaya nag sorry ka na sakin, hindi na rin ako galit sayo. Sorry boyfriend ko." Sabi niya.
"Halika dito." Sabi ko. Akala niya siya lang ang magpapacute ng ganyan.
Napalaki naman ang mga mata niya at parang nagulat.
Ang cute talaga ng girlfriend ko.
"Ayaw mong lumapit? Ako ang lalapit." Sabi ko sakanya at lumapit sakanya. Paatras naman siya ng paatras.
"Keith, anong gagawin mo?"
Lumapit naman ako sakanya at hindi naman siya nakapalag.
"Hindi ko man alam kung ano ang sinabi ko pwes, sorry din Girlfriend ko. Kaya mahal kita eh." Bulong na sabi ko sakanya.
"Che! Lumayo ka nga sakin. Ang baho pa rin ng hininga mo. Amoy alak pa." Asar ko.
"Eh ako lang ba ang mabaho? Mabaho ka din naman eh, hindi ka pa naliligo diyan."
Sumimangot naman ang mukha niya.
"Joke lang Girlfriend ko. Ikaw naman eh. Sorry sa nangyari at sa ginawa ko kahapon. Alam ko na magagalit ka talaga sakin dahil nandito ako at sinuntok ko bigla si Greg. Nadala lang ako sa emosyon ko kahapon." Paliwanag ko sakanya.
"Hindi nga ako galit sayo. Nagalit din ako sa sarili ko, sana hindi kita iniwan dun kahapon. Sorry dahil kinausap ko si Greg kaysa sayo kung yan ang iniisip mo." Sabi niya.
Kaya mahal ko siya eh. Pinapatawad niya agad ako.
"Ok na. Okay na yun. Basta ang alam ko, at alam natin na pinatawad na natin ang isa't isa." Sabi ko.
"Salamat Keith."
"Para saan?"
"Dahil kahit na sobra mo kong namiss, naisipan mo pang pumunta dito para lang bantayan at makita ako." Sabi niya.
"Auh yun? Basta para sayo, gagawin ko. Sobra kitang namiss girlfriend ko eh. Kaya kitang protektahan sa lahat ng bagay. Kaya kitang mahalin ng buong puso. At kaya kitang alagaan hanggang sa pagtanda natin." Sabi ko sakanya.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...