Monica's POV
*dug! dug! dug!*
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
Nagtataka pa rin ako kung ano ang ginagawa ni Keith ngayon sa harapan ko.
Ano na ba ang nararamdaman ko ngayon?
Masaya ba ako o mahihiya?
Dahil alam na alam na ng lahat ng students na nanliligaw sakin si Keith matapos ang panghuhusga nila sakin tungkol sa issue na hindi niya ako girlfriend at slave niya lang ako tapos mas lalo pang dadagdagan toh?
Wala na akong mukhang ihaharap sakanila.
Nakita kong naglalakad palapit sakin si Keith na may bitbit bitbit na bulaklak at chocolates.
Mukhang ito na nga ang sorpresa niya na dapat kong makita. Ito din ang unang araw niya sa panliligaw.
Malapit na kami sa isa't isa.
"Ano toh?" Tanong ko.
Napapansin ko ang paligid na tahimik at halatang lahat ng students nakatingin at nakanganga pa rin sa mga nangyayari ngayon.
"Ano sa palagay mo? Diba ito na ang unang panliligaw ko sayo?" Sabi niya.
"Oo nga pero bakit?"
"Anong bakit? Ano nagustuhan mo ba?" Tanong niya sakin.
"Auh eh-- oo pero bakit mo ginawa toh?" Tanong ko ulit.
"Eh gusto kong manligaw sayo eh. Para sayo. Nag effort pa akong hindi pumasok para lang makabili niyan." Binigay naman niya sakin ang mga hawak niyang bulaklak at chocolates.
So kaya pala wala siya kanina dahil bumili pala siya ng mga toh para sa panliligaw niya sakin? Nag effort nga talaga siya.
"Ano? Hindi ka pumasok? Nagtanong ako sa mga kaibigan mo, hindi daw nila alam kung nasaan ka. Yun pala, bumili ka nito?" Sabi ko.
"Nag aalala ka na sakin? Tss Miss Slave friend, okay lang naman, ang importante lang sakin ay ang sagot mo." Sabi niya.
"Anong sagot?"
"Sagot, answer." Asar niya.
Binatukan ko naman siya. Nagtatanong ng maayos, nagpipilosopo pa!
Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko dahil dito sa mga nangyayari ngayon.
"Kainis ka. Ayan ka na naman eh." Sabi ko sakanya.
"Hindi, biro lang. So ano na ang sagot mo?"
Alam ko naman kung ano ang sinasabi niyang sagot eh, eh yung sagutin ko siya at para matigil na tong panliligaw niya.
"Hep! Unang panliligaw mo pa nga lang eh, tingin mo sasagutin kita agad?" Sabi ko.
Sumeryoso naman bigla ang mukha niya.
"Bakit hindi ba?" Lungkot niyang sabi.
Sasagutin nga kita, hindi lang sa tamang panahon at oras. Hintayin mo muna akong makapag isip isip pa.
"Wag ka nga. Diba sabi ko sayo, pagiisipan ko muna? Hindi ka ba makapaghintay? Ang dami dami na nga ng problema ko, dadagdagan pa nito."
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...