Keith's POV
Sunday. We're here in the mall to buy something. Kasama ko naman ang dalawang mokong na kanina pang may kasa kasamang chikababes. Ang lalandi! Buti nalang, mabait ako!
Ang totoo niyan, niyaya ako ng dalawa na magmall may bibilhin daw sila, ewan ko ba kung anong bibilhin nitong mga mokong toh? Eh ang pinunta lang nila dito ay manghanap ng mga babae!
I don't like girls but I like to kiss other girls. Yan ang minsan kong ginagawa kapag walang pasok o kaya'y magpupunta sa kung saan. Pero ngayon, hindi ako naghahanap ng girls, nakakasawa na din kasi, yung iba hindi naman pumapayag na magpahalik! Talagang sampal ang abot ko sa kanila!
"Pare, mauna muna kami ng babes ko ah? Maglilibut lang kami. Hindi na pala ako bibili." Sabi naman ni Justine. Sige umalis ka! Samahan mo na ang girlfriend mo! Bwesit! Wag mo lang sabihin Cedric na aalis ka din kasama yang babaeng nilalandi mo kundi ako nalang mag isa dito.
"Kami din pare. Wala na pala akong bibilhin. Nagyaya din kasi si girlfriend na samahan ko siya sa paglilibot" Sabi ni Cedric. Sabi ko na nga ba eh! Sila nagyayang mag mall, ako pa ang iniwan nila! Mga g*gong mga mokong yun!
"Tss umalis kayo! Uuwi nalang ako mag isa. Bahala kayo sa buhay niyo." Sabi ko sa kanila. Wala din naman akong mapapala dito sa mall eh, sinamahan ko lang ang dalawa. Ang dalawa naman, iniwan ako dito! Mga bwesit!
"Okay. Bye bro." - Cedric
"Bye. Let's go Babe." - Justine
Sabi naman nilang dalawa kasama ang kanilang mga babae at tinalikuran na ako.
Mabuti pa siguro, ako nalang mag isa tutal sanay naman na ako (humuhugot pa eh?) Nababakla ka na naman Keith!? Saan kaya magandang pasyalan dito?
"Hello Mr. Pogi, ikaw lang mag isa?" Bigla namang may sumulpot na babae sa tabi ko at sabay pacute sakin. Whooo mukhang maganda at sexy toh ah? Halikan ko kaya toh? Maganda naman ang lips niya, namumula tapos yung hair niya bagay sa kanya.
"May nakikita ka bang kasama ko?" Pilosopo kong tanong sa kanya. Malamang ako lang mag isa.
"Wala." Yun naman pala eh.
"Ang ganda mo Miss. What's your name?" Tanong ko. Ngumisi lang sakin ang babae.
"Hannah." Hannah? Hannah Montana?
"Hannah. Nice name. Ang ganda ng lips mo ah? Can I get a kiss?" Tanong ko. Ano bang sinasabi mo Keith? Diba sabi mo, nagsasawa ka na sa panghahalik sa mga girls? Bakit hindi ko matigilan? Bahala na nga.
"Ofcourse. Why not handsome boy?" Ito na ang hinihintay ko ang halikan ako ng isang babae.
Her lips felt mine and were now kissing in the public place where many people are looking shock. Hinalikan ko nalang siya hanggang sa tumigil na siya. Ang ganda ng pagkahalik niya.
* booogssh *
Nagulat nalang ako nang may biglang sumuntok sakin sa mukha. Ang lakas ng pagkasuntok niya sakin! Napahawak naman ako sa mukha kong sinuntok niya.
"HAYOP KANG LALAKI KA! YOU JERK! BAKIT MO HINAHALIKAN ANG GIRLFRIEND KO?" Boyfriend siguro toh ng babaeng hinalikan kong si Hannah.
"Charles ano ba? Wag kang magskandalo dito. Diba kakabreak lang natin? Hindi mo ko girlfriend at wala na tayo!" Uh oh, dito pa talaga nag away ang dalawang toh?
Lakas ng lalaking toh na suntukin ako, hindi niya naman pala girlfriend tong si Hannah. Napansin kong andaming taong nanunuod samin.
Ang sakit ng pagkakasuntok niya sa mukha ko ah. Hindi na tuloy makikita ang kagwapuhan ko.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...