💠Chapter 60: She's Here?💠

765 16 0
                                    


Monica's POV

"Nandito na yata tayo."

Napamulat naman ako ng mata nang gisingin ako ni Keith.

"Sorry, inantok ako eh. Tara na, iligpit na muna natin ang mga gamit." Sabi ko at nag ayos.

Tatayo na sana ako ng bigla ding buksan ni Mang Canor ang pintuan ng kotse.

"Oh? Maam, Sir, okay lang po ba kayo?" Tanong ni Mang Canor.

"Okay lang po." Sabi ko.

"Bumaba na po kayo." Sabi niya.

Bumaba naman kami ni Keith.

Kinuha naman namin ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan.

"Sir, saan po bahay niyo?" Tanong ni Mang Canor kay Keith.

"Auh eh sa San Nicolos St. po." Sabi ni Keith.

"Auh so malayo pala dito samin? So, gusto mo bang ihatid kita?" Tanong ni Mang Canor.

"Wag na po. Sasakay nalang po siya diyan sa kanto. Hehe." Sulpot ko. Baka ano pa ang masabi ni Keith eh.

"Oh sige. Mag ingat ka. Ito gamit mo." Binigay naman ni Mang Canor ang mga gamit ni Keith.

"Salamat po." Sabi ni Keith.

"Oh finally you're here Baby? How are you?" Nagulat nalang ako ng biglang lumabas si Dad sa gate at niyakap ako.

"I'm okay Dad. Si Mom, nagpaiwan pa dun kasi may kailangan pa silang tapusin." Sabi ko.

"It's okay. Nagtext narin sakin ang Mommy mo. So, pasok na tayo? May iniluto ako para sayo." Sabi ni Daddy sakin.

"Thanks Dad but may ipapakilala po ako sa inyo. Si Keith po, kaibigan ko." Pagpakilala ko.

"Boyfriend niya po. Nice to meet you po Tito."

WHAAAAAAAA!!!!!!!!

BAKIT MO SINABI KEITH? WALANG HIYA KA! GUSTO MO BA TALAGA AKONG IPAHAMAK?

Kinurot ko nalang siya sa braso.

"ARAY!!!!" Sigaw niya nang kurutin ko siya ng napakalakas.

Lagot ako nito!! Paano na???

"Oh so you're my daughter's Boyfriend? Nice to meet you too Iho." Sabi ni Dad.

Ano daw?

Okay lang sakanya?

Nakipagshake hands nalang sila ng kamay.

"So, why would you join us for lunch? May niluto ako. Tara pasok tayo sa loob." Sabi ni Dad.

Wala na ring nagawa si Keith kundi pumayag at pumasok sa loob.

Pumasok nalang kami sa loob ng bahay.

So, ang tanong? Gusto kaya siya ni Dad?

Eh kung gusto siya ni Dad, eh si Mom kaya?

Nang makapasok kami sa loob ay dumeretso agad kami sa dining area.

Wooh! Namiss ko tong bahay.

"So, ano ang surname mo Iho?"

"Morales po." Sabi niya.

Kumakain na kami ngayon.

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now