Monica's POV
Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay namin ay ngumiti naman ako abot hanggang langit.
Matapos ang nangyari kanina, mabilis ko din napatawad si Keith sa mga pinaliwanag niya.
Ang sama ng ugali ni Diana. Matapos siyang magbait baitan sakin last time? Yun pala, joke lang lahat ng yun. Biro lang sakanya yun at pagpaplastikan.
Subukan niya kaming paghiwalayin ni Keith, makakatikim siya sakin! Kailangan kong maging palaban para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Keith. Kahit ano pa ang gawin ko basta magsisisi din yang Dianang yan.
Sana hindi matuloy ang kasal nila ni Keith. Napalungkot naman ako kanina dun sa sinabi ni Keith pero alam ko, hindi naman mahal ni Keith si Diana at hindi niya ito papakasalan. Kung pwede lang siguro hindi sumipot si Keith sa kasal nila, masaya na ako.
"Oh? Nandyan ka na pala? Bakit hindi ka man lang kumatok?" Tanong ni Mommy sakin pagkabukas ng pinto.
"Bakit may nakikita akong mga ngiti diyan sa mga labi mo, aber?" Bungad kaagad na tanong sakin ni Mommy. Hindi ko napansin na muntik na akong makabangga sa pinto dahil sa tulala ako pero mabuti nalang, nabuksan agad ni Mommy ang pinto.
"Ngayon niyo lang po ba nakita ang anak niyo na masaya?" Sabi ko.
"Nanibago lang. Eh dati, hindi naman ganyan ang ngiti mo eh, ngayon, ngiting abot langit na. Si Keith yan noh?" Tanong ni Mommy.
Si Mommy talaga, alam rin naman pala niya na si Keith, nagtanong pa siya.
"Eh Mommy naman eh!"
"Sus. Sige na, pumasok ka na! I cook your favorite food." Sabi ni Mommy na mas ikinalaki naman ng mga ngiti ko.
"Talaga Mommy? Sige, bibilisan ko po magbihis para makababa na agad ako at makakain na. Thanks Mommy." Sabi ko at binilisang tumakbo papunta sa kwarto.
"Sige."
Umakyat nalang ako sa kwarto ko at nagbihis.
Keith's POV
Nang makababa na ako sa kotse ko ay pumasok na agad ako sa company nila Diana.
"Omg! Ang gwapo niya Besh! Empleyado ba siya dito?"
"Baka hindi lang empleyado yan, baka anak ng may ari nitong company. Baka boyfriend ni Maam Diana."
Rinig na rinig ko ang ibang mga empleyado dito. Hoy! Puro kayo tsismis! Nakakita lang kayo ng gwapo, nagtsitsismis na agad kayo? Eh kung magtrabaho nalang kaya kayo para madagdagan ang mga sweldo niyo?
Puro kayo fake news!
Naglakad nalang ako. Minsan lang kasi ako nagpupupunta dito kaya pala hindi nila ako kilala dahil mga bagong empleyado sila.
"Miss, where's the office of Mr. and Mrs. Cordova?" Tanong ko sa isang empleyadong babae na lumalandi sa kasama niyang lalaki.
Ano ba tong mga empleyado dito? Kapag malaman ito ng boss nila, panigurado, fired agad sila. Buti nalang, hindi ganito sa company. Mga mababait kaya ang mga empleyado.
Hinayaan ko nalang sila. Parang walang gana pa silang sumagot.
"Auh Sir. I'm sorry. What can I help you, Sir?" Tanong ng babae.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...