💠Chapter 6: Bonding💠

2K 55 0
                                    

Monica's POV

* tok! tok! * ( door knocks )

Nagmumukmok ako ngayon dito sa kwarto ko dahil sa biglaang pagdating nina Mommy and Daddy kanina. Wala pa rin tigil ang pag iyak ko.

"Monica? Buksan mo ang pinto. We need to talk." Narinig ko sa labas ng kwarto ko si Mommy na pilit binubuksan ang pintuan ng room ko.

Ayoko muna siyang kausapin. Wala akong words of wisdom ngayon baka bukas may gana na akong kausapin siya. Hindi ko lang kasi alam kung anong gagawin ko ngayon.

"MONICA! PLEASE OPEN THE DOOR!" Sigaw pa rin niya galing sa labas.

Ano bang gagawin ko? Kakausapin ko si Mommy o mananatili nalang akong iiyak dito? Kapag naaalala ko kasi ang sinabi ko kanina kay Yaya Paula eh parang sasabog ang utak ko. Nagdadalawang isip kasi ako sa sinabi ni Yaya kanina, may point siya eh.

Tuluyan ng nakapasok si Mommy sa kwarto ko. Ang tanga ko talaga, nilock ko nga ang pinto, hindi ko man lang naisip na meron palang extra na duplicate key si Mommy kaya nakapasok siya.

"Iwan niyo nga ako Mom. Matutulog na ako." Sabi ko sabay talikod sakanya. Nakahiga kasi ako at umupo si Mommy sa tabi ko. Pero hindi niya lang ako pinakinggan sa sinabi ko.

"Anak, please? We need to talk." Tinawag niya pa pala akong anak akala ko hindi na eh.

"Wala po akong ganang makipagusap ngayon Mom."

"Kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, I'm sorry. I'm sorry sa pag iwan namin sayo ng Daddy mo mag isa dito sa bahay. Importante kasi yung lakad namin na yun at marami din kaming inaasikaso kaya hindi na kaagad namin nasabi sayo kaya kay Yaya Paula ko nalang sinabi na alam ko kasi na magagalit ka samin ng Daddy mo. I'm sorry Anak." Paliwanag niya.

"Umasa po ako Mom na uuwi kayo nung isang araw pero ngayon lang kayo umuwi. May sasabihin pa sana ako nun sa inyo ni Dad nung araw na iyon. Sasabihin ko sana sainyo na nakapasa ako sa cheerleading squad at bukas na ang simula ng practice namin pero hindi ko nasabi kasi wala kayo."

"I'm sorry kung umasa ka. Hindi ka namin matawagan kasi nalowbat kami ng Daddy mo at nawalan din ng signal. Sinubukan kong tumawag sainyo pero hindi talaga eh. Nag aalala kami sayo Anak kung baka napano ka dito sa bahay, nagsisi kami na iniwan ka namin sa bahay ng walang paalam. Naghanap kami ng paraan para matawagan ko si Yaya Paula at kinamusta kita sakanya at nung malaman ko na okay ka ay guminhawa naman ang puso ko." Paliwanag ni Mommy.

Parang iiyak ulit ako sa sinabi ni Mommy. Grabe ah. Hindi nila matawagan kasi nalowbat sila at nawalan ng signal. Pero sinubukan din pala ako tawagan ni Mommy pero naghanap pa rin siya ng paraan para matawagan ako o si Yaya Paula. Nalaman ko na nagaalala din pala ang parents ko sakin. Sobrang mahal talaga nila ako.

Humarap naman ako kay Mommy.

"Sorry Mommy kung nag alala kayo sakin. Sorry din kung sinigawan ko kayo kanina. Sorry po Mom. Dad." Dumating na din kasi si Daddy habang naguusap kami ni Mommy.

"Nagpapasalamat po ako sa Diyos dahil binigyan nila ako ng mga magulang ng matinik sa trabaho at mapagmahal sa kanilang anak. Thank you po." Niyakap ko naman sila.

Kumalas din naman kami sa pagkakayakap.

"Thank you din Anak dahil pinatawad mo na kami ng Mommy mo. Ginagawa din namin ito para sa iyo, para sa pag aaral at kinabukasan mo. Basta were here your parents to support you always in your decision. Ibibigay namin sayo ang lahat ng gusto mo para maging masaya ka lang. Ikaw lang kaya ang unica hija namin." Sabi naman ni Daddy.

Natouch naman ako sa sinabi ni Daddy. Nagpapasalamat ako dahil binigyan niya ako ng napakabuting magulang kahit medyo pasaway ako sa kanila minsan at hindi ko sinusunod lahat ng inuutos nila, nandyan pa rin sila to support me in my decision.

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now