Monica's POV
"Saan tayo mamaya, Keith?"
"Keith, bakit nawala ka bigla kahapon sa practice?" - Cedric.
"Excited na ako mamaya sa triple date natin" - Chloe.
"Nasabihan niyo na ba sina Mika at Justine?" - Cedric.
"Oo, nasabihan ko na sila kahapon pa Babe." Sabi ni Chloe.
"So, sasama sila?" Tanong ni Cedric.
"Ewan ko sa insan kong si Mika, nagdadalawang isip pa eh. Si Justine naman kung sasama din daw ba si Mika, sasama din siya. Basta ewan, ang gulo nila!" Sabi ni Chloe.
"Boyfriend ko, matutuloy ba tayo mamaya? May practice pa kasi kami mamaya sa cheerleading eh." Tanong ko naman kay Keith.
Kanina pa tulala at hindi nagsasalita si Keith. Kanina pa din namin siya kinakausap pero hindi siya sumasagot.
Kaming apat lang ang magkakasama. Ewan ko sakanila ni Justine at ni Mika kung saan sila pumunta at kung bakit hindi sila sumama samin.
Ano ba ang problema nitong si Keith?
"Keith! Kanina pa kami nagsasalita dito, ikaw nakatulala lang diyan." Sabi ni Cedric sakanya.
"Sorry. Ano ulit yun?" Tanong niya.
"Ewan ko sayo. Tanungin mo ang girlfriend mo." Inis na sabi ni Cedric.
"Matutuloy ba tayo mamaya sa Triple Date natin kasi may practice pa kami ng cheerleading?" Tanong ko.
"Oo naman. Pagkatapos din ng practice namin, magdedate agad tayo." Sabi niya.
"Bro, diba? Special practice na natin yun kahapon? Wala na tayong practice, Bro" Sabi ni Cedric.
"Sorry, I forgot. Magc-cr muna ako." Sabi niya sabay tayo sa upuan niya papunta banyo.
Anong nangyari dun? May problema ba siya? Halatang meron eh, parang kailangan niya ng kausap.
"Anyare dun?" Tanong nila.
"Basta hayaan muna natin siya. May problema siguro na hindi niya masabi sabi satin." Sabi ko.
Hinayaan nalang namin siya.
"Hi guys" Sabi samin ni Mika sabay dabog sa lamesa.
"Hey bro." Sabi naman bigla ni Justine kay Cedric.
Talagang sabay sila ha? Anong meron?
"Anong problema mo?" Tanong ni Chloe kay Mika.
"Wala. Nabwebwesit lang ako." Sabi niya.
"Sabay talaga kayo?" Tanong ni Chloe.
"Ewan ko diyan sakanya. Iniistalk ako eh." Sabi ni Mika.
"Stalk agad? Hindi ba pwedeng dito din ako pupunta?" Sabi naman ni Justine.
Nag aaway pa sila eh sila din naman magkakatuluyan. Tignan natin.
Nagkukuripot pa silang dalawa eh gusto din naman nila ang isa't isa.
"Parang kulang tayo, saan si Keith?"
"Ayun, nag cr." Sabi ni Chloe.
Kumain nalang kami. Dumating na kasi ang inorder namin kanina.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
किशोर उपन्यासAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...