(Bigyan muna natin ng POV ang bestfriend ni Monica)
Chloe's POV
Kainis parin talaga yung lalaking ugok na yun.
Sa dami ba naman ng magugustuhan ko, bat siya pa?
Wala pa rin tigil ang pag iisip ko dun sa lalaking yun.
Pwede naman si Greg o si Keith eh! Oops? Hindi na pala pwede si Keith, may Monica na siya. Eh si Greg? Kamusta na kaya yun? Nakaalis na kaya yun?
Alam niyo naman, kinwento ni Monica sakin na aalis na pala si Greg.
Napakalandi mo naman Chloe kapag ganun. Tandaan mo Chloe, walang magkakagusto sayo!!
Kakadating ko lang sa restaurant namin at nakita ko si Tita na busy kakabilang ng benta.
Galing akong school, dumeretso nalang agad ako dito.
"Malapit na po kaming magsira. Ano po sa kanila?" Tanong ni Tita.
Hindi siguro alam ni Tita na ako toh, si Chloe, hindi customer.
"Tita, si Chloe toh, hindi customer." Sabi ko.
Busy parin kasi siya sa kakabilang ng pera.
"Ay sorry pamangkin, ikaw pala yan. Hindi kita napansin. Anong kailangan mo at bakit ka naparito? Bakit hindi ka dumeretso sa bahay?" Tanong ni Tita.
"Hindi niyo po talaga ako napansin kasi nagbibilang kayo ng pera. Tss napadaan lang po ako. Teka po, sabi niyo po, malapit na kayong magsira, bakit ang aga naman?" Tanong ko.
"Eh kasi, gusto ko lang magsira. Malaki na rin ang benta natin at gusto ko ding umuwi ng maaga." Sabi niya.
"Okay po. Meron pa po bang capuccino? Patimpla naman po." Sabi ko.
"Makautos? Sige."
Tumayo nalang si Tita at tinimplahan ako ng kape. Alam niyo naman,kapehan tong restaurant namin.
Hindi toh starbucks, sa kabila ang starbucks ah, baka isipin niyo.
Di nagtagal ay bumalik na rin si Tita na may dalang kape. Ibinigay naman niya sakin yun.
Ininom ko naman iyon kaagad.
"Aaaah! Ang init" Sabi ko.
"Yan kasi, ininom mo kaagad, mainit pa eh, yan tuloy napaso yang dila mo. Teka lang pamangkin, bakit parang bad trip ka ngayon ah?" Tanong ni Tita.
Napansin pa pala ni Tito yun.
"Auh tita, pwede po magtanong?"
"Eh nagtatanong ka na eh, ano yun?"
"Kapag ang isang taong nakilala mo ay binebwesit ka at inaasar ka, at yung taong yun ay crush mo, anong tawag dun?"
"Ayie. Yung pamangkin ko, nagdadalaga na, may crush na. Eto kasi yan, ang tawag diyan, destiny? Auh basta, hindi ko alam."
Destiny? Tadhana? WTF? Parang ang layo naman? Alam ko yan eh.
Ang taong nakasalubong o nakita mo ay siya rin ang nakatadhana para sayo. Parang pinana ni Kupido.
Auh ibig sabihin, nakatadhana kami ni Cedric?
May alam nga ako sa mga advices eh pero pagdating sa mga love, parang wala na akong alam. Hindi ko pa kasi naranasan ang magmahal.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...