Monica's POV
"ANOOOOOOOOO?" Sigaw nina Mika at Chloe nang sabihin ko sa kanila ang pagiging slave ko kay Mokong.
Sinabi ko lahat lahat ng nangyari simula nung nawasak ang kotse ni Mokong dahil sakin.
"AT PUMAYAG KA TALAGA NA MAGIGING SLAVE KA NI KEITH DAHIL LANG SA ISANG KAPALIT?"
"Oo?" Sabi ko.
"NABABALIW KA NA BA MONICA? PAANO KUNG PAPAHIRAPAN KA NUN? ALAM MO NAMANG GANGSTER YUN, MAY PAGKABAD BOY DIN YUNG SI KEITH!" Sigaw ni Chloe.
Grabe naman makasigaw to. Mabuti nalang wala masyadong tao dito sa park.
Hindi ko kasi mapipigilan na hindi sabihin sa kanila baka mahahalata na nila kaagad. Lalo na magsisimula na ako mamaya.
Yes, mamaya na agad ako magsisimula sa pagiging slave ng isang mokong!
"Relax Chloe, relax! Pwede? Hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sinisigawan mo ko." Sabi ko.
"Sorry Bes pero concern lang kami sayo, baka may plano yung gangster na yun sayo, baka pahirapan ka niya-----"
"Oo nga, tama si Insan, Monica! Concern kami sayo." Sabi naman ni Mika.
"Ano ba kayo! Kung may gagawin nga siya sakin, lalaban ako nuh! Wala akong pakialam kahit siya pa ay gangster, wala akong pakialam kahit siya ay lalaki at kahit siya pa ang may ari ng mansyon na pagsisilbihan ko, wala akong pakialam kaya chill lang girls." Sabi ko.
"Yan ang gusto namin sayo girl eh, palaban! Sige na nga, may tiwala naman kami sayo pero sa lalaking yun, wala!" Sabi ni Mika.
"Salamat at pinagkakatiwalaan niyo ko." Sabi ko.
Nagiging emosyonal na naman kami dito!
"Wala yun basta kapag papahirapan ka ng lalaking yun, nandito kami! Sama sama tayong lalaban! Kahit pa may kasama pa siyang mga mokong!" Ang tinutukoy ni Chloe ay sina Cedric at Justine.
"So, kailan ka magstastart?" Tanong nila.
"Mamaya na."
"ANOOOOO? MAMAYA NA? AGAD AGAD?" Sigaw nila. Isang sigaw pa, sasampalin ko na kayo!
"Ano ba! Ang iingay niyo eh! Oo, mamaya na! Kakasabi ko lang diba?" Inis kong sabi.
"Ang bilis naman." - Chloe
"Oo nga eh. Pero 1 week lang naman yun eh. Mabilis lang." Titiisin ko talaga ang pagsleslave ko kay Mokong.
"Tssss ikaw bahala bes basta nandito lang kami sa tabi mo para pagtanggol ka"
Grabe naman tong mga toh! Si mokong lang naman ang makakalaban ko kapag papahirapan niya ako, kaya ko yun!
"Ang OA niyo, kaya ko yun! Isa vs. sa isa." Sabi ko.
"Oo nga naman Insan, grabe ka namang mag alala sa kaibigan natin." Sabi ni Mika kay Chloe.
"Kapag daw hindi ko magawa ng maayos ang pagiging slave ko ay gagawin niyang 2 weeks ang 1 week ko. Kapag naman daw natapos ko ang 1 week ay malaya na ko, hindi na niya ko papakialaman." Sabi ko.
"Grabe namang kapalit yan." Sabi ni Mika.
"Oo nga eh."
Nagtawanan nalang kami at nagkwentuhan pa lalo.
****
Ito na!!! Ito na ang oras ng paninilbihan kong bilang slave ng nag iisang Keith Morales a.k.a. Gangster na Mokong. Ay baliktad pala, Mokong na gangster pala!
![](https://img.wattpad.com/cover/126122862-288-k303080.jpg)
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...