Monica's POV
Eto kami ngayong dalawa ni Mokong ay este Keith nakahiga sa kama niya pero may space sa pagitan namin.
Simula ngayon, Keith na ang itatawag ko sakanya. Sabi nga niya, parusa ko daw ito. Kainis nga eh, kailan niya kaya ititigil tong slave at parusa na toh?
Gusto ko sanang matulog sa sahig kaya lang ayaw ni Keith, pinipilit niya akong matulog sa kama niya. Uy hindi ko gustong magkatabi kami ah?
Wala na rin akong nagawa kasi kahit nahihiya ako sa kanya kasi bahay niya ito at nakikitulog lang ako ay pinipilit niya pa rin akong matulog sa kama niya. Wala namang masama kung dun ako sa kama niya matutulog diba?
Tahimik lang kaming nakahiga habang ang tanging naririnig nalang namin ay ang patak ng ulan sa bubong.
"Kailan kaya titigil ang ulan?" Tanong ko sa sarili.
Nakita ko sa side view ko na tumingin sakin si Keith.
"Titigil lang ito kapag gusto niya ng tumila." Ano?
Anong sinasabi nito?
"Huh?" Tanong ko.
"It means na kahit hindi pa tumitila ang ulan, dapat natin hintayin yun kung kailan nga ba siya titila. Ang ulan parang tao din yan eh, nagagalit din siya kaya mas lalo siyang lumalakas dahil inilalabas niya din ang kanyang nararamdamang sakit na ginagawa ng mga tao sa kalikasan. Let's be patient in what happening today." Palakpakan! Matalino din pala toh eh!
Pero infairness, may point siya. Nakakaramdam din ng sakit ang ulan tulad ng tao.
"Wow! Saan naman galing yang mga words of wisdom mo na yan?" Tanong ko.
"Malamang, sa utak ko. Tsss!" Oo nga naman! Pero nakakainis pa rin! Tinatanong ng maayos, hindi maayos ang sagot.
"Tssss din." Sabi ko.
Tahimik naman ulit kaming dalawa.
Baka maabutan pa kami ng 300 years bago magsalita eh.
"Auh Mok------ Keith?" Mok- Keith? Ano yun? :D
"Bakit angry bird?" Tatanungin ko lang naman kung may girlfriend ba talaga siya o wala.
"Nakakahiya man pero may girlfriend ka ba talaga?" Tanong ko. Nagtanong lang ako huh? Masama bang magtanong?
"Uy yung slave ko, may gusto sakin kaya tinatanong kung may girlfriend ako?! Bakit mo naman naitanong?" Asar niya sakin.
"Che! Nagtatanong lang eh. FYI, wala akong gusto sayo! AT NEVER AKONG MAGKAKAGUSTO SAYO! Masama bang magtanong?" Sigaw ko.
Ang tahimik napalitan ng sigawan at asaran.
"Hindi naman. Binibiro ka lang eh! Kung sasabihin kung meron akong girlfriend, anong gagawin mo?"
"Syempre wala. Hindi naman ako interesado diyan." Hanggang crush nga lang ako eh.
"Wala daw. Pero sa isip niya, may pinaplano na!" Sabi niya.
"Ang kapal mo!! Wala nga akong gagawin diyan sa kung sino man yang ex gf mo! Eh hindi ko naman kilala yan eh." Sabi ko.
Natahimik naman ulit kaming dalawa.
"Eh kung ikaw ang magiging girlfriend ko?" Ano daw?
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Genç KurguAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...