Monica's POV
*kriing! kriing!*
"MONICA!!! HINDI KA PA BA GIGISING
DIYAN?""Yaya, mamaya na po, pwede? Inaantok pa po ako eh."
Talagang napuyat at napagod ako kagabi dahil sa pagpapractice. Umuwi ako ng 7pm sa bahay, naglinis, nag ayos at naligo pa ako. Haist! At dagdagan mo pa ng hindi makatulog kagabi.
"Bumangon ka na diyan, may bisita ka sa baba." Huh? Sino naman?
Baka sina Chloe lang o si Mika.
"Sabihin niyo po kina Chloe at Mika na mauna nalang po sila, magkikita pa din naman po kami sa school." Sabi ko habang nakapikit pa ang mata at may piring na hello kitty.
"Hindi naman sina Chloe at Mika ang bisita mo sa baba at diba wala kang pasok ngayon? Kaibigan mo daw, sino ba yun? Keith?"
Oo nga pala, Sabado na pala ngayon at walang pasok.
Pero ANO?
"ANO?" Sigaw ko at tinanggal ang piring ko sa mata.
Halos napabangon ako sa kakahiga at nagulat ako sa sinabi ni Yaya.
"Oh bakit nagulat ka? Kanina, antok na antok ka ah? Ngayon naman, parang lumalaki na ang mata mo?" Tanong ni Yaya.
"Pakiulit nga po? Sino po ang bisita ko?" Tanong ko ulit kay Yaya Paula.
"Keith daw sabi eh. Naku, ang niluluto ko pala baka masunog yun. Bumaba ka na kanina pa naghihintay ang bisita mo. Tandaan mo, hindi dapat ipinaghihintay ang bisita." Pahabol na sabi ni Yaya sakin at lumabas na ng kwarto ko.
Totoo ba talagang nandito si Keith sa pamamahay ko? Makapamamahay ka naman, parang ikaw nagpatayo ng bahay.
Pangalawang punta na niya dito sa bahay mula nung una siyang pumunta dito para lang isauli ang ID ko. Talagang pumunta pa talaga siya sa bahay ah. Kaya niya nalaman ang address ng bahay ko dahil sa nakalagay sa ID ko.
Naligo muna ako dahil amoy isda na ako sa sobrang lansa. Hindi naman sa hindi ako naliligo araw araw ah, naliligo ako nuh! Two bath in a day pa.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas naman agad ako sa banyo.
Napakanta pa tuloy ako. Ang saya lang kasi wala namang pasok, makakapagpahinga ako dito sa bahay.
"AY BUTIKING MANYAK! AAAAAAAAHHHH!!"
Napasigaw nalang ako nang biglang bumungad sakin ang pagmumukha ni Mokong.
Napatingin at napanganga nalang si Keith.
BAKIT SIYA NANDITO SA LOOB NG KWARTO KO?
YAYAAAA! Bakit mo siya pinapasok dito eh naliligo pa ako eh!! Kakatapos lang pala.
Hayup tong lalaking toh! Bigla bigla nalang nanggugulat.
"WAIT SLAVE FRIEND! BAKIT GULAT NA GULAT KA? AND........ WHY ARE YOU...... BAKIT KA NAKATOWEL LANG?" Utal utal niyang tanong.
Nakatowel lang kasi ako. Malamang kakatapos ko lang maligo.
Bakit siya? Hindi ba siya nagtatwalya?
"EH KAKATAPOS KO LANG MALIGO EH!! BAKIT KA BA NANDITO AH? AT SA LOOB PA MISMO NG KWARTO KO? AT BAKIT KA NALANG BIGLA BIGLANG PUMAPASOK? MAY BALAK KA NOH? ANO. SAGOT!" Sigaw ko habang lumalapit ako sakanya. Siya naman ay umaatras ng umaatras.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...